Bibirit para sa bayan! TNT Boys, makikipagsapalaran sa isang singing competition sa America

Bibirit para sa bayan! TNT Boys, makikipagsapalaran sa isang singing competition sa America

- Ibinunyag ng grupong TNT Boys na sasabak sila sa isang singing competition sa ibang bansa

- Nag eensayo na daw sila nang mabuti para dito

- Bukod pa dito ay pinaghahandaan nila ang kanilang nalalapit na concert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma na ng Tawag ng Tanghalan o TNT Boys na sasali sila sa isang singing competition sa ibang bansa partikular na sa America.

Nalaman ng KAMI ng ang mga batang sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez ay lilipad patungong America para sa nasabing kompetisyon.

Hindi pa sinasabi ng tatlong talented na mga bata kung anong contest ang sasalihan nila ngunit ngayon pa lang daw ay excited na sila para dito.

Inamin ng tatlo na nag eensayo sila nang mabuti dahil paniguradong maraming mga magagaling na singers mula sa iba’t-ibang bansa ang lalahok.

Ipinangako din ng tatlo na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mai-angat ang bandera ng Pilipinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Nagpa-practice po kami ng mabuti at nagse-save ng voice.,” pahayag nila sa isang panayam ng ABS-CBN.

“Ibibigay po talaga namin yung best po para mapasaya namin yung mga tao sa Amerika,” dagdag pa ng grupo.

Bukod sa paghahanda para sa nasabing patimpalak sa ibang bansa, puspusan din ang preparasyon ng tatlo para sa nalalapit nilang concert sa Araneta Coliseum sa November 30.

Pinamagatan ang kanilang inaabangan na concert na “Listen.”

Sa nakaraang balita ng KAMI, pinabilib ng sikat na Pinoy group na ito ang international singing superstar na si Jessie J dahil sa kanilang pag-cover ng “Bang Bang.”

Ang TNT Boys ay nabuo nang magkakilala sina Mackie, Kiefer, at Francis sa singing competition na “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. Nagawa na nilang mag perform sa Little Big Shots sa Australia, sa United States, at sa United Kingdom.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel