Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo papalit kay Harry Roque bilang Presidential Spokesperson

Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo papalit kay Harry Roque bilang Presidential Spokesperson

- Kinumpirma mismo ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na siya ang papalit kay Harry Roque bilang Presidential Spokesperson

- Naka-leave ngayon si Roque na matunog na ang pagbibitiw bilang Presidential spokesperson dahil sa balak nitong tumakbo sa pagka-senador

-Si Panelo ay dating abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay tumatakbo pa lamang sa nasabing posisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahasan nang hinayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na siya na ang napipintong papalit kay Harry Roque bilang Presidential Spokesperson.

Ayon sa CNN Philippines, naka-leave ngayon si Roque at matunog ang pagbibitiw nito sa posisyon upang bigyang daan daw ang pagtakbo niya sa pagka-senador para sa eleksyon sa susunod na taon.

Nalaman ng KAMI na wala naman daw pagbabago sa posisyong maiaatang kay Panelo dahil noon pa man daw, siya ay tagapagsalita na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Actually wala namang pagbabago kasi Day 1 of the presidential campaign of the president I was already his spokesperson, and Day 1 when he assumed presidency I was also his spokesperson," wika mismo ni Panelo sa video confernce na binahagi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsilbi na umano si Panelo bilang abogado ni Pangulong Duterte noong tumatakbo pa lamang siya sa naturang posisyon.

Nang manalo na ang pangulo, naitalaga naman si Panelo bilang President-elect's transitional spokesperson hanggang sa nagi na siyang presidential legal adviser.

"As Chief Presidential legal Counsel I was really speaking for the President on matters of national sensitive issues that require my articulation of the thoughts and ideas of the President," wika ni Panelo.

Dagdag pa niya ang tanging magiging kaibahan lang, lagi na siyang makikita ng taumbayan lalo na sa mga regular ma press briefing ng Malacañang.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel