Ilang sasakyang dumaan sa SLEX, napinsala sa pambabato raw ng mga "rugby boys"

Ilang sasakyang dumaan sa SLEX, napinsala sa pambabato raw ng mga "rugby boys"

- Nasa pitong mga sasakyan na dumaan sa SLEX ang napinsala nang matamaan ito ng mga batong pinakawalan ng mga kabataang nanti-trip lang

- Bandang 4:00pm nang mangyari ang pamamato noong Oktubre 7

- Tinatayang nasa pitong sasakyan daw ang napinsala nang araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala na talagang pinipiling lugar ang mga kabataang nang-'trip' lang daw mambato ng mga dumadaang sasakyan sa SLEX.

Bandang 4:00 ng hapon nang magulat ang mga motorista sa pambabato ng mga kabataan may Sta. Rosa Laguna noong Oktubre 7.

Ipinakita ng isang biktima na si Francis Tuazon sa GMA news ang malaking tama sa kanyang sasakyan. Habang ang isa namang may-ari rin ng sasakyan na si Roland Earl Palacio ay basag ang windshield.

Ayon sa imbestigasyon, tinatayang nasa pitong sasakyan ang napinsala dahil sa pambabato ng mga di pa nakikilalang kabataan.

Nakita kasing may mga naglalaro pang kabataan malapit sa lugar kung saan nabato ang mga sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan namang kausapin ng Highway Patrol Group ang opisyal ng barangay sa Sta. Rosa, at mariing giniit nito na mga "rugby boys" daw ang gumawa ng pambabato.

"Mga rugby boys talaga 'yung mga 'yon. Mga palaboy," ayon Nesty Callanga, opisyal ng barangay.

Samantala, pangamba rin ng mga nabiktima na baka maulit pa ang insidenteng ito at maging dahilan naman ng aksidente sa Highway.

"Parang nakakatakot tuloy bumiyahe kung, medyo hapon pa po 'yun, medyo maliwanag pa po," sabi ni Palacio. "Paano po kaya 'pag gabi nangyari 'yung ganu'ng insidente tapos, siyempre, may kasunod po na sasakyan? Nasa fast lane po kami. Kaya delikado po."

Wala pa ring nilalabas na opisyal na pahayag ang pamunuan ng South Luzon Expressway tungkol sa kaganapang ito.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel