Suspek sa pamamaslang, huli nang sumagot sa text gamit ang ninakaw na cellphone

Suspek sa pamamaslang, huli nang sumagot sa text gamit ang ninakaw na cellphone

- Arestado ang suspek sa pagpatay nang nakuha pa nitong sumagot sa text gamit ang cellphone ng kanyang biktima

-Tumagal ng 3 araw bago pa natagpuan ang nangangamoy nang bangkay na nakilalang si Aldrin Ambray

- Nagdilim lamang daw ang paningin ng suspek na si Alvin Albuera dahil may balak daw gawing kahalayan sa kanya ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nang dahil sa text ng magbabayad ng utang sa biktimang si Aldrin Ambray, naaresto ang suspek ng pamamaslang sa kanya na si Alvin Albuera.

Sa ulat ng GMA news, nakunan pa ng CCTV ang dalawa na nagkita pa umano bago tuluyang nagtungo sa bahay ng biktima.

Nalaman ng KAMI na bandang ala-una ng madaling araw, mag-isa na lamang naglalakad ang suspek papalayo sa bahay ng biktima.

Tatlong araw pa ang itinagal ng bangkay ni Aldrin at ito'y nangangamoy na. Natagpuan may ilang saksak ang biktima at nakatali ang kanyang mga paa at kamay habang may piring naman ang mga mata nito.

Napag-alaman din na nawawala ang mga alahas at mahahalagang gamit ng biktima gaya ng cellphone nito.

Samantala, naaresto si Alvin nang sumagot ito sa text ng magbabayad sana kay Aldrin ng utang. Nang mag-reply ito, lingid sa kanyang kaalaman na tinuturuan na pala ng mga pulis kung paano sasagot ang katext ng suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ito pong cellphone ng biktima ay nawawala sa crime scene kaya pinaniniwalaang hawak ng suspek. Kaya mula po sa cellphone na 'yun, nagkaroon ng communication," salaysay ng Police Superintendent Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo City Police.

Di naman na naitanggi ni Alvin ang nagawa niyang krimen. Ayon sa kanya, nagdilim lamang daw ang kanyang paningin nang pinagtangkaan na umano siyang pagsamantalahan ni Aldrin.

"Naglaro kami ng tali-talian, siya ang nagsabi sa akin na itali ko siya. Ngayon po, itinali ko po. Nung pagkatapos po, ang sabi niya, ako naman ang itatali niya at gagalawin niya ako. Hindi ako pumayag, nagdilim na ang paningin ko," salaysay ni Alvin.

Nakuha pa naman ang mga gamit ng biktima mula kay Alvin at inaalam pa ng pulisya kung may iba pa itong kasong tinakbuhan.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel