Heart relic ni Padre Pio, dinagsa ng libo-libong mga deboto; mga Pilipino hati naman ang opinyon dito

Heart relic ni Padre Pio, dinagsa ng libo-libong mga deboto; mga Pilipino hati naman ang opinyon dito

-Libo-libong mga deboto ang dumagsa upang makita ang incorrupt heart relic ni Padre Pio

-Dumating ito noong Biyernes sa bansa pagkatapos bisitahin rin ang 3 pang bansa

-Mga Pilipino, iba-iba naman ang reaksyon tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumating nitong Biyernes sa bansa ang incorrupt heart relic ni Saint Pio of Pietrelcina o mas kilala bilang Padre Pio.

Simula ng dumating ito, libo-libong mga bdeboto na ang dumagsa upang makita ito kahit sa maikling panahon lamang.

Maraming Pilipino ang pumila ng ilang oras para sa 10 segundong sandali na makita ito mahaplos sa labas ng salaming lalagyan nito.

Ilan sa mga nakapanayam ng ABS-CBN News,

"Ipagdasal buong bansa, sana malampasan natin ang hirap na dinaranas natin ngayon," ayon kay Jessica Europeo na may dala pang laminated photo ni Padre Pio at ipinagdadasal ang kalusugan ng anak at ang bansa.

"Hindi ko masabi emotion ko. I pray na sana yung katangian, matularan namin. Matularan ko," ito naman ang pahayag ni Sonia Imus, nang magkaroon ng pagkakataong makita ang heart relic.

"Gusto ko humaba pa ang kaniyang buhay," hiling ni Nesy Villapando kasama ang kapatid na si Corazon para sa inang si Juanita na personal pa nilang dinala sa National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, kung saan unamang dinala ang heart relic mula NAIA.

"Kilala kasi si Padre Pio sa pagbibigay katuparan sa kahilingan, sa paggaling ng mga may sakit," ani Fr. Jojo Gonda, rector ng National Shrine of Padre Pio.

Samantala, sa social media, trending ang pagdating ng heart relic ni Padre Pio. Ngunit may ilang Pilipino pa rin ang may negatibong opinyon tungkol dito, na pinalagan ng mga Katoliko.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Netizen: "Yan ba ang DIYOS u ngayon? Sabagay ang mga PARI sa catholic ngayon ay taga akit ng rallyista."

Netizen: "Parang may mali na. Pwede ba ang santo ay tularan at gawing halimbawa ang pananampalataya nila sa diyos hindi punas punasan ang salamin na kinalalagyan ng rebulto o kung anu man. . . Kasi pananampalataya lang naman kelangan para mag karoon ng melagro eh."

Netizen: "Pati heart organ ginaganyan NYO.. Nasaan ang milagro jan. a heart of human being.. GOD said wlang kang ibang Sasambahin kahit ano.kahit ano. Kung di xa Lang.very clear sa Bible ng Catholic. Read by ur self para malinawan kayo. Catholico ako Pero I'm not that kind of utouto..its an IDoLatry a great sin."

Netizen: "Kung sakaling ATAY ung di nabulok edi Sasambahin NA rin. Oh my GOD.. Totoo nga ung nakasulat sa Bible only few who really believed in GOD.. Sarado ang Isip nilA.. Dahil SA pride at sobrang paniniwla SA Pari."

Netizen: " Tanong lang. Iba iba ba ang paniniwala ng Catholics? May mga catholics kasi na hindi sang-ayon sa pagyuko sa mga rebulto. Diba dapat kung nasa isang relihiyon ka, dapat iisa ang paniniwala nyo para may pagkakaisa sa pananampalataya nyo."

Netizen: "St Padre Pio pray for us and all the people here who dont understand our faith."

Netizen: "Nagsisilabasan na naman ang mga hindi marunong gumalang sa pananamapalataya ng iba. Respeto nalang po."

Netizen: "mas nakakaawa ang mga taong walang respeto sa paniniwala ng iba kanya kanyang paniniwala kaya walang paki alaman matutong rumespeto sa paniniwala ng iba dhil hnd prepreho ang tao masyadong nakakahiya sa mga perpektong tao kuno."

Samantala, nakatakdang umalis ang heart relic sa October 26.

Francesco Forgione o mas kilala biolang Padre Pio ay namatay noong 1968.

At na-canonized ng Pope at ngayo'y Saint John Paul II noong 2002.

Nang hukayin ang katawan nito noong 2008, nakita ng ilang Church officials na hindi nabulok ang katawan nito. Nakalibing ito sa San Giovanni Rotondo Sanctuary sa Italy.

We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel