Totoo nga kaya? Jay Sonza may rebelasyon kaugnay sa pagsampa ng kaso ni Gretchen Fullido

Totoo nga kaya? Jay Sonza may rebelasyon kaugnay sa pagsampa ng kaso ni Gretchen Fullido

- Naging usap-usapan ang pagsampa ng kaso ni Gretchen Fullido sa dalawang news executives at tatlo pang kasamahan sa trabaho

- Kasunod nito ay ang paglabas ng reaksiyon ng iba't-ibang personalidad

- Ang beteranong journalist na si Jay Sonza ay may pasabog sa kanyang rebelasyon tungkol sa diumano'y gawain ng isang TV network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May kontrobersiyal na rebelasyon ang beteranong journalist na si Jay Sonza. Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na pagsampa ng reklamo ni Gretchen Fullido sa dalawang news executives at tatlo pang kasamahan sa trabaho.

Dahil sa mga karanasan niya sa industriya, marami din ang naniniwala sa kanyang mga pahayag. May mga tao din namang hindi ganun ka kumbinsido.

Sa kanyang Facebook post, may maanghang na rebelasyon ang beteranong journalist tungkol sa diumano'y gawain ng TV network na kinabibilangan ni Gretchen.

Naging empleyado din siya ng ABS-CBN ng sampung taon.

Sa kanyang post, saad niya,

“expect abs-cbn to launch a massive vilification campaign vs. ms. gretchen fulido. that has always been their brand when an employee seek legal, labor or judicial redress.

they did that ms. ruth abao.

they did that to ms. mel tiangco.

they did that to tiya dely.

they did that to dozens of their other employees.

tatak ng abs-cbn iyan. kapag may nagreklamo, sisiraan iyong pobreng empleyado sa public thru their paid showbiz writers, in-house PR machinery and their hired law firms.

i should know. have been there for ten years.”

Kung matatandaan ay nagsampa ng kaso si Gretchen noong October 5 laban sa dating ABS-CBN News Executive na si Cheryl C. Favila at Maricar P. Asprec, ABS-CBN News Segment Producer.

Gayunpaman, ayon sa statement na nilabas ng kanilang abogado ay wala umanong basehan ang mga alegasyon ni Fullido.

Saad ng abogado, “While it pains me to go against another woman in a s3xual harassment case, I welcome the opportunity to rise to the defense of two women who are wrongly accused.”

POPULAR: Read more about Gretchen Fullido here

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel