Isa muling doktor sa Senado? Willie Ong, nag-file ng COC for Senator

Isa muling doktor sa Senado? Willie Ong, nag-file ng COC for Senator

-Isang Cardiologist na si Willie Ong, naghain ng kanyang COC for Senator ngayong Huwebes

-Ayon sa kanya, walang doktor sa Senado na maaaring magsulong ng mga panukala sa mga serbisyong medikal lalo na para sa mga mahihirap

-Isusulong daw nito ang libreng gamot, lab test at opera sa ilang sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nitong Huwebes, sa pagbubukas ng COMELEC sa mga nais kumandidato sa 2019, naghain ng kanyang certificate of candidacy ang Cardiologist na si Willie Ong.

Mula sa Lakas-Christian Muslims Democrats (Lakas-CMD) party na pinangungunahan ni Leyte Representative Martin Romualdez, na susuportahan umano ang mga kandidato para sa pagka-Senador na ieendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte mula sa regional party nito na Hugpong ng Pagbabago.

“Nakita ko ‘yung butas sa Senate, wala tayong doktor doon. Walang doktor doon na nagsusulong sa Committee on Health katulad ni Senator Juan Flavier,” ani Ong sa isang press conference, ayon sa ulat ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Kapag napuntahan mo ‘yung mahirap na pasyente, maaawa kayo, matatransform kayo. Gusto natin tumulong, natry ko sa private, natry ko sa media, natry ko sa DOH (Department of Health), ito ang kailangan ngayon ng tao,”

“Ano isusulong natin? ‘Yung GOAL. ‘Yung ‘G’, Gamot. Dapat mas mura siya, or libre ... Uulitin natin ‘yung cheap medicines bill. ‘Yung ‘O’, simpleng Operasyon like sa goiter, gall bladder, luslos ... Gusto natin magawang package ‘yan, maoperahan natin,”

“‘A’, sa Advice. ‘Yung ginagawa natin sa Facebook. Kailangan mas malawak, mas simple, mas direct ... And ‘L’, Lab test. Kailangan ilibre ng PhilHealth.” pahayag nito.

"Ang health hindi siya ganon kasimple. Sasabihin mo libreng gamot, libreng operasyon, mayroon kang complication ... Kailangan marunong ka para ipasa,” dagdag pa nito.

Si Willie Tan Ong ai isang Philippine cardiologist. Cardiology consultant sa Manila Doctor Hospital at Makati Medical Center.

Taong 1992, nagtapos ito sa De La Salle College Medicine, Cavite, Philippines with a Doctor of Medicine degree.

Founder si Ong ng Co Tec Tai Medical Museum and Movement of Idealistic and Nationalistic Doctor, Manila. Siya ay Fellow of Philippine College Cardiology and Philippine College of Physicians (Presidential award 2003, 2005).

We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Is Sen. Franklin Drilon sleeping during the UAAP Finals?

Fact check: Is Sen. Franklin Drilon sleeping during the UAAP Finals?

Fact check: Is Sen. Franklin Drilon sleeping during the UAAP Finals?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel