Guro sa Albay, nasawi matapos harangin ang saksak para sa kanyang 2 estudyante
-Nasawi ang isang guro dahil sa pananaksak ng isang 17-anyos na grade 12 student, matapos nitong harangin ang saksak para sa 2 estudyante
-Nagtamo ng mga sugat ang 2 grade 6 students na estudyante ng guro habang naaresto naman ang suspek nitong Miyerkules
-Hustisya ang sigaw ng DepEd para sa nasawing guro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ilang araw matapos ang Teacher's day, isang public teacher mula sa Albay ang nasawi sa pananaksak ng isang 17-anyos na suspek.
Ayon sa ulat ng Rappler, natutulog ang guro kasama ang 2 grade 6 na estudyante sa loob principal's office sa Oringon Elementary School in Barangay Oringon, Pio Duran, nang pumasok ang suspek na may dalang panaksak.
Bandang 11 ng gabi nang mangyari ang insidente. Ayon sa ulat ng mga pulis, iniharang ni Mylene Veras-Durante ang sarili sa 2 estudyante nang undayan ang mga ito ng saksak ng suspek.
“The teacher tried to save the lives of the children by covering them,” ayon kay Police Senior Inspector Mayvell Barcia-Gonzales.
Ayon kay Gonzales, matapos ang unang pag-atake, nakatakbo ang 2 estudyante sa isa pang kwarto at nakapag-lock doon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sinundan pa umano ng suspek ang 2 bata ngunit agad ding binalikan ang kawawang guro na palabas na sana sa opisina at sinaksak na ito, na ikinasawi nito.
Nagtamo ng mga sugat ang 2 estudyante dahil sa insidente habang naaresto naman ang suspek nitong Miyerkules.
Nagsilbing sleeping quarters ni teacher Mylene ang principal's office ng Oringon Elementary School sa nakalipas na 2 taon, na nakatayo sa isang remote village.
Si teacher Mylene ay 23 taong gulang at may 2 anak.
“The education department in Bicol region is saddened by the senseless killing and is calling for immediate justice over the killing of teacher Mylene Veras-Durate, mother of two children,” pahayag ni Mayflor Jumamil, DepEd-Bicol spokesperson.
“We are deeply saddened of this tragedy. Our hearts go out to those impacted by this tragedy, especially to the family of our teacher." ayon naman sa hiwalay na pahayag ni Deped-Bicol director Gilbert Sadsad.
“We will be conducting a fact-finding investigation on this and we will accord the necessary actions for our learners and teachers impacted by this tragic incident. We will also be working closely with the authorities such as providing them with access to any resources that they may need in their conduct of investigation." dagdag pa nito.
We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh