Hashtag slowly but surely! 14 Long celebrity couple engagements

Hashtag slowly but surely! 14 Long celebrity couple engagements

Heto raw ang listahan ng 14 celebrity engaged couples na pinili umanong hindi madaliin ang kasal na naispatan ng KAMI.

Tila slowly but surely nga ang peg nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted namin ang naturang listahan sa GMA News Online.

Kaya ngayon ay silipin natin kung sinu-sino ang mga celebrity couples na ito na nasa long engagements na umano.

1. Buboy Villar and Angillyn Gorens

Ayon pa sa balita, July 2016 daw nang isiniwalat ni Buboy Villar na nag-propose na siya sa kanyang pretty girlfriend na si Angillyn Gorens.

Ngayon, ang dalawa ay proud parents raw ni Baby Vlanz.

2. Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Ang mommy at daddy ni baby Alas Joaquin na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay ibinahagi rin umano ang kanilang engagement noong January 2017.

Kasabay raw rito ay ang pag-amin ni Kylie na pinagbubuntis niya ang kanilang unico hijo.

3. Jade Lopez and Rocky Siccion

Ang Starstruck alumna na si Jade Lopez ay sumagot ng oo sa marriage proposal ng boyfriend niyang si Rocky Siccion sa Niigita sa Japan noong January 2017.

At napabalita raw na ngayong October 22 na daw gaganapin ang big day nila sa Manila Cathedral.

Congratulations!

4. Valerie Weigmann and Bodie Pulido

Ang dating Eat Bulaga dabarkad at beauty queen, at ngayon ay model na si Valerie Weigmann ay nagsabi na ng kanyang "yes" sa lawyer boyfriend na si Bodie Pulido noong May 2017 sa napakagandang lugar ng ancient ruins ng Machu Picchu.

5. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Ani pa sa ulat, 5 years na raw ang relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nang sila ay ma-engaged umano.

Nangyari ang bonggang proposal sa Switzerland at ito ay inanunsyo nila umano noong July 2017.

Base naman daw sa kanilang IG posts, March ng parehong taon lumipad ang showbiz couple kasama ang kanilang mga pamilya sa nasabing bansa kung saan naganap ang sweet na engagement.

6. Michelle Madrigal and Troy Woolfolk

Perfect timing naman daw ang engagement ng dating aktres na si Michelle Madrigal sa American Football player niya na boyfriend na si Troy Woolfolk.

Ani pa umano ni Michelle sa kanyang post noong July 2017:

"When the time is right, I, the Lord will make it happen."

Aww...sweet!

Indeed.

7. Rodjun Cruz and Dianne Medina

Naganap naman ang proposal ni Rodjun Cruz sa longtime girlfriend niyang si Dianne Medina noong 30th birthday niya.

Almost 10 years na raw ang relasyon nila nang ibigay ni Dianne ang matamis na oo sa tanong ni Rodjun noong October 2017.

8. Iza Calzado and Ben Wintle

Isang taon na rin ang nakakaraan nang magpropose ang gwapong boyfriend ni Iza Calzado na si Ben Wintle sa kanya sa Sonay's Garden.

5 years din daw inabot ang kanilang relasyon bago pa man sila ma-engage noong October 2017.

9. Christian Bautista and Kat Ramnani

Halos one year na din noong magpropose si Christian Bautista sa girlfriend niya si Kat Ramnani noong November 2017.

Naganap raw ang proposal noong nagbakasyon sila sa Italy, at ang balita diumano ay ikakasala na sila bago pa magtapos ang 2018.

10. Sunshine Garcia and Alex Castro

Isang simpleng handaan umano naganap ang engagement nina Sunshine Garcia at Alex Castro kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan noong December 2017.

Ani pa ni Sunshine sa naganap na proposal:

“Yung inakala ko na lagi na lang ako magiging audience kada may mag propropose at ikakasal. Yung malapit ko nang tanggapin sa sarili ko na baka hindi para sa akin ang ganitong klaseng love story.. Hanggang sa dumating ka at binago mo yun.. Binigyan mo ako ng isang magandang kwento ng LOVE STORY."

11. KC Montero and Stephanie Dods

Nag-propose naman daw si KC Montero sa kanyang model at beauty queen na girlfriend na si Stephanie Dods noong araw ng pasko ng 2017.

At ito ay naganap sa Truckee, Califronia.

12. Catherine Rem and Edmar de Luna

Naganap naman ang engagement ng dating Pinoy Big Brother housemate, na ngayon ay Kapuso aktres na, na si Catherine Rem o nakilala sa bahay ni kuya bilang si Cathy Remperas, sa Nami Island sa South Korean noong December 2017, sa kanyang boyfriend na si Edmar de Luna.

Ayon naman sa balita, nasa final fitting na raw si Cathy sa kanyang gown para sa kanyang nalalapit na kasal.

13. Aicelle Santos and Mark Zambrano

Almost 2 years na rin raw ang relasyon nina Aicelle Santos at Mark Zambrano nang na-engage sila noong March 2018.

Ito ay naganap raw ilang araw pagkatapos ianunsyo ni Aicelle na siya ang gaganap na Gigi sa UK production ng Miss Saigon.

14. Toni Aquino and Ricardo Centurion

Ani pa sa balita, nang inanunsyo ni Toni Aquino, ang anak ni Eat Bulaga dabarkad Ruby Rodriguez, na siya ay engaged na sa kanyang boyfriend na si Ricardo Centurion, agad umano nilinaw niya na hindi muna sila magpapakasal.

Saad daw niya:

"This is not going to happen right away. Haven't you guys heard of a long engagement? Yeah that's what we are doing and we are da*mn sure about it; we both made this mature decision. Clichè to say it but once you know you just know - We both want to spend the rest of our lives together but we both have to finish what we are doing now (graduate college for me and he has to finish his army contract.)"

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel