Rufa Mae Quinto, may sagot sa isyu tungkol sa "below the title" ang billing

Rufa Mae Quinto, may sagot sa isyu tungkol sa "below the title" ang billing

- Kamakailan ay lumabas ang balita na nakapanlulumo daw ang "below the title" billing ni Rufa Mae Quinto sa pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ko

- Ang naturang movie ay pinagbibidahan ng nakakabatang kapatid ng Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga na si Vlog Superstar Alex Gonzaga

- Sinagot naman ito ni Rufa Mae na okay lang naman daw iyun dahil kaibigan nga rin niya ang mag-sissums

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinuldukan na nga ni Ruffa Mae Quinto ang unang lumabas na balita na diumano ay nakapanlulumo daw ang kanyang "below the title" ang billing.

Naganap ang nasabing panayam sa Gateway Mall sa Quezon City sa opening night ng Cinema One Originals 2018 filmfest noong October 9, Martes ng gabi, ayon pa sa balita na nakuha ng KAMI.

Ani pa sa balita ng PEP, isang eksena lang daw ang komedyanteng aktres sa pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.

Ang huli ay ang nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga, na bida sa award-winning sitcom na Home Sweetie Home, kung saan kasama rin si Rufa Mae.

Dagdag pa sa balita, nandoon din daw si Toni Gonzaga pero di na inilagay ang name ng Romantic-Comedy Queen sa poster.

Tugon daw ni Rufa Mae:

“Cameo lang ako roon. Hindi naman sila nagbayad, charot!”

Ang bida ng Bagyong Bheverlyn ay sumagot din sa sa isyu na sana lang daw ay hindi inilagay ang kanyang pangalan para hindi daw api-apihan ang komedyanteng aktres.

Ani pa niya umano:

“E, yung mga part na yun, OK lang yun. Kasi, andun naman ako to support my friend, si Alex."

Dagdag pa niya:

“Saka andun din ako sa movie [Mary, Marry Me] nina Toni at Alex. So, lahat ng movies nila, andudun ako! Pero secret lahat yun! Pero ibinulgar na natin. So, may friendship ano lang yun... Friendship ano lang! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Wala naman talagang isyu dahil matagal na silang magkaibigan.

Sa katunayan ay nagguest si Rufa Mae Quinto sa TV guesting ng mag-sissums na sina Toni at Alex Gonzaga sa Magandang Buhay, kamakailan lang, at dito ay binahagi nila kung paano nag-umpisa ang kanilang friendship.

Umalalay nga din ang kaibigan nitong si Toni Gonzaga noong pumanaw ang pinakamamahal na nanay niya na taos puso naman niyang pinasalamatan sa isang Instagram post.

Kaya waley daw ang nakapanlulumo diumano na below the title billing.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel