"Ang pogi pa rin," Netizen ng makasabay si John Lloyd Cruz sa jeep

"Ang pogi pa rin," Netizen ng makasabay si John Lloyd Cruz sa jeep

- Matagal na rin na hindi nakikita ang best actor at box office king ng Kapamilya network na si John Lloyd Cruz sa telebisyon

- Tila masaya naman siya sa simpleng buhay sa likod ng mga lente ng kamera at mga hiyawan ng hindi magkamayaw na mga fans

- Hindi na din ito ikagugulantang dahil isang kilala at napakasikat na aktor ni Lloydie kaya naman kahit hindi na siya aktibo sa showbiz ay windang pa rin ang mga faney pagnakita siya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa malaking bituin at pangalan na si John Lloyd Cruz sa pinilakang tabing ay kahit hindi na siya lumalabas sa telebisyon o hindi na siya aktibo sa showbiz ay pinag-uusapan pa rin siya hanggang ngayon.

Maraming mga fans ang gusto pa rin malaman kung ano ang ginagawa ng kanilang iniidolo na aktor na marami ng pelikula na pinaiyak, pinatawa, at pina-inlove tayo, kaya naman marami na rin siyang mga box office hits na mga pelikula.

Kaya naman kahit anong konting bagay na makikita, marinig, o maispatan ang aktor ay talaga namang kukunin nila ang pagkakataon para makakuha ng kanyang larawan.

At ito nga ang nangyari sa isang netizen na nakasabay si John Lloyd Cruz sa "ikot ride" sa University of the Philippines o UP, diumano, ayon pa sa balita na naispatan ng KAMI.

Una naming naispatan ang balita sa GMA News Online, na una ng binalita ng Star Cinema sa ABS-CBN site.

Ani pa ng netizen sa kanyang Twitter account:

"Yung nakasabay mo si John Lloyd Cruz sa Ikot. (huhu ang pogi pa rin)"

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon sa balitang ito pero karamihan ay tila suportado ang aktor sa pinili niyang buhay.

"OK yan cool nga.. Normal life.. Kita naman sa mukha nyang enjoy sya ngaun sa buhay nya!"
"Well, at least he is happy and enjoying his simple life, away from the spotlight."
"He's happy where he is. That's what matters."
"Ung kasikatan at money hindi nabibili ng totoong happiness sikat ka nga at madami pera pag mag isa ka nlng malulungkot ka rin atleast nagawa na ni JLC ung matagal nia ng gustong gawin."
"Ini enjoy lang nya buhay normal yung malayang makapunta kahit saan ng di sya dinudumog ng fans. Yung malaya nyang gawin ang mga bagay na gusto nya na di nya nagagawa dati"
" Good for him. Kita naman na masaya siya ngayun. Godbless JL"

Ang ibang mga netizens naman ay nagpost ng kanilang mga picture at video kung saan nakita rin nila si John Lloyd Cruz.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

POPULAR: Read more news about John Lloyd Cruz here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react

Baby Tali & ‘ninong’ Alden Richards’ cute bonding moment caught on cam; netizens react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel