Anne Curtis, nakipagsubukan ng galing sa pananagalog sa kaniyang pamangkin

Anne Curtis, nakipagsubukan ng galing sa pananagalog sa kaniyang pamangkin

- Isa si Anne Curtis sa mga artistang Pinay na bulol pa din sa pagsasalita ng tagalog

- Nanirahan ang sikat na celebrity sa ibang bansa kaya sanay ito sa wikang banyaga

- Ngunit sa isang video, nakipagsabayan ang aktres sa kaniyang pamangkin sa pagsasalita sa wikang Filipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilala ang TV host na si Anne Curtis sa kaniyang bulol-bulol na pananagalog na siya namang dahilan ng pagtawa ng marami.

Dahil nanirahan sa ibang bansa, nasanay ang aktres sa wikang banyaga at ngayon ay hindi pa rin lubusang bihasa sa pagsasalita ng tagalog.

Ngunit sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, nalaman ng KAMI na tila nakikipagtagisan ng galing ang multi-awarded na celebrity sa kaniyang pamangkin na isa ding foreigner.

Hindi niya lang sinabayan kundi tila tinuturuan pa ni Anne ang kaniyang kamag-anak na magbilang sa wikang Filipino.

Sa nasabing video, ipinakita muna ang ilang mga pinagkakaabalahan ng aktres gaya ng pag-make up at pag-workout.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapanood naman ang cute na pagbibilang ng dalawa mula isa hanggang sampu sa bandang dulo ng video.

Bagama’t marunong magbilang ang pamangkin ni Anne, maraming netizens ang natuwa dahil slang ang pagbikas nito ng mga numero.

Sabi ng aktres sa kaniyang caption, “Cutest thing EVER! My niece, Pati, counting in Tagalog!”

Narito ang nakatutuwang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, bigla na lamang naiyak at humingi ng paumanhin sa madlang people si Anne sa kalagitnaan ng hosting sa It’s Showtime.

Si Anne ay isang Filipina-Australian actress at model na ipinanganak noong February 17, 1985. Ikinasal siya sa restaurateur na si Erwan Heussaff noong 2017 sa Queenstown, New Zealand.

POPULAR: Read more news about Anne Curtis!

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel