Guro, di na kailanman makakapagturo dahil sa pagpapakasal sa 13 taong gulang na babae

Guro, di na kailanman makakapagturo dahil sa pagpapakasal sa 13 taong gulang na babae

- Pinagbawalan na habambuhay na di na makakapgturo ang Physics teacher na si Joshim Nur dahil sa pagpapakasal sa isang 13 taong gulang na babae

- Inakala raw ni Joshim na 18 taong gulang na ang babae kaya naman lumipad pa siya patungong Bangladesh upang pakasalan ito

- Giniit naman ng babae na alam daw at sinabi niya umpisa pa lang ng kanilang relasyon na 13 taong gulang pa lamang siya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Summer break daw nang magbiyahe ang Physics teacher na si Joshim Nur patungong Bangladesh upang pakasalan ang 13 taong gulang noon na babae.

Ngayon, dahil sa ginawa niyang iyon, napagdesisyunan na kailanman at di na muli siya makakapagturo.

Ayon sa Yahoo, nagtuturo raw si Joshim Nur sa The London Nautical School at 22 taong gulang siya noon nang pasukin ang pakikipagrelasyon sa dalagita.

Giniit ni Joshim na buong pag-aakala niya ay 18 taong gulang na ang dalagita. Subalit nakakita ang Teaching Regulation Authority panel ng pahayag ng dalagita na sumulat daw ito bago ang kanilang kasal kung saan nasabi nito ang kanyang edad.

Guro, di na kailanman makakapagturo dahil sa pagpapakasal sa 13 taong gulang na babae

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang ebidensya pa ang video recording ng ama ni Joshim kung saan kinumpirma rin ng babae ang kanyang edad at naniniwala siyang nakita na ni Joshim ang naturang video.

Ayon pa sa panel, consistent ang mga pahayag ng dalaga sa pulis at sa Teaching Regulation Authority panel at lahat ng ito ay kapanipaniwala.

At dahil di kinakitaan ng anumang pagsisi o pag-amin ang guro, nanganganib na maulit pa ang ganitong insidente kaya naman pinagdesisyunan nilang kailanman ay di na ito makakabalik pang muli sa pagtuturo.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel