Paul Soriano, may isiniwalat tungkol sa kanyang mag-inang Toni Gonzaga at Seve

Paul Soriano, may isiniwalat tungkol sa kanyang mag-inang Toni Gonzaga at Seve

- Tila jam-packed ang schedule ngayon ng multi-awarded director na si Paul Soriano dahil sa bagong pelikula nito na First Love na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo

- Sa naturang presscon ng movie na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound sa Quezon City na nangyari noong Lunes ng hapon, October 8, ay naitanong kay Paul si Toni

- Dito nagpaliwanag ang film director sa ibang haka-haka kung bakit hindi nakadalo ang misis niyang si Toni Gonzaga sa kauna-unahang ABS-CBN Ball

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lang ay naganap nga ang kauna-unahang ABS-CBN Ball na talaga namang engrande na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel noong September 29.

At sa unang mga binalita ng KAMI ay dumalo ang halos lahat ng mga artista mula sa Kapamilya Network kung saan kabilang ang misis ni direk Paul Soriano na si Toni Gonzaga.

Pati nga mga fans ng Ultimate Multimedia Superstar ay hinanap siya dahil hindi lang siya basta Kapamilya pero isa sa pinakamalaking stars sa naturang movie.

Kaya dito naitanong sa kanya kung bakit wala nga ang kanyang asawa sa pelikula.

Lahad naman ni Paul Soriano:

“Actually, it was my son’s birthday, September 30, so we planned a trip to L.A. about a couple of months ago even before the Ball was announced."

At maski naman daw si direk Paul ay nasa kasagsagan ng promotion ng pelikula niyang First Love, pero nagbakasyon siya kasama ang misis niya at ana para sa 2nd birthday ng anak nila ni Toni na si Seve.

Dagdag pa ni Paul:

"We already planned that we wanna bring Seve to Los Angeles, on his second birthday, so we already planned the trip. So even me, like, I’m in the middle of promoting the film, I took a week off to celebrate the second birthday of my son Seve in Los Angeles, where I’m from. I wanted to show him where I was born."

Sinagot din ni Paul ang tanong sa kanyang first love, na una na niyang nasagot at nasambit sa digital conference ng pelikula.

Una na naming binahagi ang pagtatanong ng mga fans kung bakit hindi present si Toni Gonzaga sa ABS-CBN Ball, at ito nga ay dahil sa kaarawan ng kanilang anak na si Seve.

Hindi lang si Toni Gonzaga ang no show sa ball dahil marami-rami rin ang hindi pumunta.

Nagkasabay pa nga sila, Toni, Direk Paul, at Seve, nina Dra. Vicky Belo, Dr. Hayden Kho at Scarlet sa isang eroplano pabalik Maynila.

At nagpakacute pa sa morning ang dalawang sikat na celebrity babies.

Kaya tara lets manood na rin tayo at ma-inspire sa pelikulang First Love ni Direk Paul Soriano na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo kasama pa si Albie Casiño at Edward Barber sa October 17 na raw.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel