President Duterte, namimili na ng kapalit kung sakaling matuloy mag-resign si Roque

President Duterte, namimili na ng kapalit kung sakaling matuloy mag-resign si Roque

- Nagbanta na nga raw si Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay magreresign

- Mukha namang ayos lang ito para kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Dagdag pa ng Pangulo na namimili na siya ng posibleng pumalit kay Roque

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang handa na nga si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pag-alis ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Palasyo.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Pangulong Duterte ay nagbanta si Roque na magreresign siya dahil sa naging issue na noong hindi pinaalam ng Pangulo sa kanya na nagpunta siya sa ospital last week.

“Kasi hindi ko man maintindihan. So I’m giving him that margin of safety. Kasi sabi niya mag-resign siya because he didn’t know that I was in the hospital. Hindi naman kailangan sabihin ko lahat eh. There are things which are limited to the immediate members of the family,” sabi ng Pangulo base sa report ng Philippine Star.

Dagdag din ng Pangulo na namimili na raw siya ng posibleng papalit kay Roque kung tuluyan na nga siyang mag-resign.

“Sabi niya, mag-resign siya. Sabi ko ‘di sige. Then immediately I… namili na kaagad ako ng replacement but I cannot tell you now kung sino sila,” sabi ni Duterte.

“We’re still talking. I talked to the president yesterday afternoon. Talks have not been concluded. We will continue with our conversation,” sabi ni Roque.

Noong sinabi kasi ni Roque na nais niyang tumakbo bilang senador, agad namang tinutulan ng Pangulo ito. Sabi niya na hindi raw mananalo si Roque kaya bibigyan na lang ng ibang position ito.

Inoffer naman kay Roque ang pagiging Press Secretary pero inanunsyo naman na kay Atty. Salvador Panelo na ang pwesto.

“Kaya naipit nga si Roque. It’s not my fault actually. Sabi niya tatakbo siya. Hindi tatakbo. Tatakbo,” sabi ng Pangulo.

“Ngayon na hindi na siya tatakbo, hindi ko na alam kung saan siya ilagay,” dagdag niya pa.

Naiulat nga ng KAMI noon na nag-file ng leave si Roque noong Lunes.Giit ng spokesperson na kailangan niya ng panahon upang pag-isipan kung dapat nga ba siya tumakbo sa Senado. Pero present pa rin si Roque noong may Cabinet meeting noong Lunes at sa press briefing noong Martes.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Ukay-Ukay (Bargain Store) Challenge is already in the Philippines! You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel