P97.4M jackpot sa 6/49, napanalunan ng nagiisang mananaya; No winner sa 6/58

P97.4M jackpot sa 6/49, napanalunan ng nagiisang mananaya; No winner sa 6/58

-Napanalunan ng nagiisang mananaya ang jackpot prize sa Superlotto 6/49 na nagkakahalaga ng P97,384,918, kagabi, Martes

-Samantalang wala pa ring nanalo sa Ultra lotto 6/58 na may jackpot prize na P1,026,264,340

-May paalala naman ang PCSO muli sa mga mananaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maiuuwi na ng nagiisang nanalo sa Superlotto 6/49 ang jackpot prize na nagkakahalaga ng P97,384,918.Martes, nang i-draw ito at may winning combination na 19-32-40-21-05-43.

Habang ang jackpot prize naman na P1,026,264,340 sa Ultra lotto 6/58, wala pa ring swerteng nakakuha.

Ang winning combination naman sa 6/58 ay 12-16-46-03-38-36.

Ito na rin ang pinakamalaking premyo na naitala sa Philippine lotto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naibalita na rin ng KAMI, na sa dami ng tumaya at nais manalo, bumigay ang printer ng isang lotto outlet sa Abra, kahapon.

Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may P65,017,023 jackpot prize.

Nagpaalala ang PCSO sa mga tumataya na ingatan ang ticket.Bawal itong mabasa, mainitan, o malukot.

Kung sakaling palarin at may manalo sa jackpot, maaaring makuha ito sa main office ng PCSO sa Mandaluyong at magdala ng 2 government issued ID at siyempre ang winning ticket.

We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel