Lalaking naglinis at nakakita ng lotto ticket, naging instant milyonaryo

Lalaking naglinis at nakakita ng lotto ticket, naging instant milyonaryo

- Naging instant milyonaryo ang lalaking naglinis lamang ng kanyang aparador

- Nakita lamang niya ang ticket dahil sa kinulit siya ng kanyang kapatid na mamili na ng mga damit na pwede nang ipamigay

- Disyembre pa ng nakaraang taon nang bilhin niya ang tiket at inakala niyang Can$1,750 lang ang kanyang napanalunan kaya laking gulat niya na ito pala ay Can$1.75 million

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inaasahan ni Gregorio De Santis na magiging milyonaryo siya sa isang iglap. Una, di na rin niya alam na mayroon pala siyang winning ticket na siyang magiging daan sa kanyang pagyaman.

Kinulit lamang daw si Gregorio ng kanyang kapatid na maglinis ng aparador nang maipamigay na ang mga di ginagamit na damit sa mga nangangailangan.

Nakita niya ang lotto tiket na kanyang tinayaan noon pang Disyembre 2017 at nilagay na lamang daw niya ito sa kanyang bulsa.

Naniguro lamang daw si Gregorio kung nanalo ba ang ticket. Masaya na siyang malaman na nanalo ang tiket ng Can$1,750. Ngunit, laking gulat niya na ang kanya palang napanalunan ay Can$1.75 million o $1.35 million.

Lalaking naglinis at nakakita ng lotto ticket, naging instant milyonaryo

screengrab: Youtube (Loto-Quebec)
Source: Depositphotos

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halos huminto raw sa pagtibok ang puso ni Gregorio nang malaman na hindi lang libo ang kanyang napanalunan kundi mahigit isang milyon.

Laking pasalamat daw ni Gregorio sa kanyang kapatid na nangulit sa kanya na maglinis nag kanyang kabinet. Di na raw niya kasi maiisip pa ang tungkol sa lotto ticket kung di dahil sa kapatid.

"I would never have looked in that closet without her!" pahayag ni Gregorio.

Napagpasyahan niyang ilagay sa kanyang retirement account ang ilang bahagi ng kanyang napanalunan.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel