8 Dabarkads' ladies na umagaw ng pansin sa Eat Bulaga

8 Dabarkads' ladies na umagaw ng pansin sa Eat Bulaga

Sa 39 years na namamayagpag ang longest running hit noontime show na Eat Bulaga sa kasaysayan sa telebisyon sa Pilipinas, ilang mga nagagandahan at agaw-pansin na mga babae ang naging parte nito na naging host sa show.

At hindi maikakaila na sa show na ito natutunan ng mga sikat na artista ngayon ang kanilang galing sa hosting at sa pagtatawa.

Kaya ngayon sisilipin ng KAMI sa 8 na mga babaeng dabarkads na nakilala at umagaw ng pansin sa Eat Bulaga.

Ang iba sa kanila ay kasalukuyang parte pa rin ng show at ang iba naman ay nagmamayagpag sa Kapamilya network at sa kani-kanilang mga karera.

Una naming nakita ang nasabing listahan sa FHM,

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Toni Gonzaga-Soriano (2002-2005)

Wala na siguro pang ibang Eat Bulaga ladies na talagang tumatak ng husto sa show.

Dito siya talaga hustong nakilala at sumikat at napansin ng iba kaya nakuha siya umano sa Wazzup Wazzup ng Studio 23.

At naging Crush Ng Bayan, palaging nasasali sa pinakasexy sa FHM pero hindi naman nagsusuot ng sobrang revealing na mga damit.

Dahil sa angking talento, wit, at respeto sa sarili at sa kapwa, at ang kanyang humility, at ang pagiging huwaran sa mga kabataan at kababaihan, ay umagaw talaga ng pansin ang kilala na ngayon bilang Ultimate Multimedia Superstar.

Hall of Famer na when it comes to hosting awards, certified platinum recording-artist, female concert performer, best album, best actress, box office queen, best comedy actress, most influential endorser, at iba pa.

Ginawaran kamakailan lang ng Reader's Digest Asia ng Most Trusted Entertainment/Variety Show Presenter, naging recipient ng Women of Style & Substance ng People Asia, at may sariling Walk of Fame na si Toni Gonzaga.

2. Diana Zubiri-Smith (2003)

Isa rin si Diana Zuburi na walang kakupas kupas ang ganda kahit may dalawang anak na at may asawa na.

Noong single woman pa siya at naging mainstay umano ng Friday night show ng MGA-7 ang Bubble Gang, doon raw ang daan na napasali siya sa Eat Bulaga noong 2003.

Nakitang husto ang kanyang kasexyhan at kagandahan at galing sa pag-aarte noong naging sang'gre Danaya siya a hit Kapuso primetime show na Encantadia.

At ngayong may-asawa na ay lalong blooming at agaw-pansin talaga.

3. Iza Calzado (2011)

Umalis umano si Iza Calzado sa Eat Bulaga pagkatapos ng isang taon.

Bukod sa hosting, sumasaya rin siya sa mga production numbers, at talaga namang magaling siyang maghost rin.

Nakilala rin ng husto si Iza bilang si sang'gre Amihan sa Encantadia, kasama ang isa sa matalik niyang kaibigan na EB baby rin na si Diana Zubiri.

4. Isabelle Daza-Semblat (2011)

Ang dating Eat Bulaga host ay gumawa rin ng ingay noong umalis sa noontime show dahil nalungkot ang mga fans.

Ngayon, Mrs. Semblat na siya at nag-eenjoy sa pag-aalaga ng kanilang unico hijo ni Adrien na si baby Baltie.

5. Solenn Heussaff-Bolzico (2012)

Naging parte din ang isa sa mga IT Girls na si Solenn sa show ng sandali noong 2012.

Pero isa daw siya sa na talaga namang sumikat at naging most-sought after star sa showbiz.

Makikita naman ang numero ng followers niya sa Instagram dahil sa kanyang angking galing sa modeling at art, at parte na rin sa hosting at pag-aarte.

Gaya rin ng kanyang kaibigang Isabelle, misis na rin si Solenn ni Nicol Bolzico.

6. Maine Mendoza (2015-present)

Walang tao ang hindi nakakakilala ni Maine Mendoza ngayon dahil siya lang naman ang Phenomenal Star na talaga namang pinawindang ang Twitter world sa kwela at sweet na tandem na AlDub, kasama si Alden Richards, at lahat ng platform ng social media ay tila hakot na ni Minggay.

Kung dati-rati siya lang si Yaya Dub, ngayon is lang naman siya sa kinikilalang superstars ng kanyang henerasyon.

7. Luane Dy (2017-present)

Si Luane Dy naman ay sub lang daw sana kay Pia Guanio noong buntis pa ito.

Isa rin siya sa mga hosts ng Chika Minute segment ng 24 Oras, at ngayon, siya ay mainstay na ng Eat Bulaga.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel