Pagmamakaawa ni lolo Mariano: Sana mahanap ang kanyang nawawalang apo

Pagmamakaawa ni lolo Mariano: Sana mahanap ang kanyang nawawalang apo

-Hindi na napigilan ng isang matandang lalaki ang mapaiyak sa loob ng isang pampasaherong jeep dahil sa pangungulila at pagaalala sa kanyang nawawalang apo

-Sa isang viral post sa social media, maaantig ang inyong mga puso sa pagmamakaawa ni lolo Mariano na sana'y matulungan siyang mahanap ang apo

-Ang social media ay itinuturing nang makapangyarihan sa pagbibigay ng impormasyon ngayon, kaya naman naisip ng uploader na maaaring makatulong ang posts at share

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na napigilan ng isang matandang lalaki ang kanyang sarili at naiyak na sa loob ng isang pampasaherong jeepney.

Ayon sa post ng isang netizen na si Mharjorie Recede, ang uploader na viral post na ito, lolo Mariano ang pangalan nito at hinahanap ang nawawalang apo na si Jelian Saldoa, 4 na taong gulang.

October 4 nang i-post ni Recede ang impormasyon tungkol dito at ayon kay lolo Mariano at tatlong linggo na raw itong nawawala.

Napadpad na sa Rizal ang matanda na tubong Bulacan.

Sa awa ng mga pasahero kay lolo Mariano ay nag-abot ang mga ito ng tulong para sa matanda na ayaw pang tanggapin sana nito.

Bago bumaba si Recede, nagmakaawa pa daw ang matanda sa kanya na sana ay matulungan siya nito.

"Anak, nag mamaka awa ako sayo tulungan mo sana akong makita ang aking apo hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin kung saan saan na ko nag puntang lugar pero di ko parin makita ang aking apo"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa bumaba daw si Recede at sulyapang muli ang matanda ay umiiyak pa rin ito.

Nakakahabag ang sitwasyon ng matanda na sa kabila ng edad ay pilit pa rin kinakaya ang paghahanap sa kanyang apo.

Hangad ng KAMI na agad na mahanap ang bata at ang kaligtasan nito at ni lolo Mariano.

Hindi naman nabanggit kung saan at kung paano nawala ang bata.

We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel