Kathy Dupaya, nagbantang magsusumbong kay Tulfo laban sa isang manager

Kathy Dupaya, nagbantang magsusumbong kay Tulfo laban sa isang manager

- Nagbabala ang businesswoman na si Kathy Dupaya na lalapit siya kay Tulfo upang magreklamo ng isang talent manager

- Hindi daw kasi isinasauli ng manager ang mga signature bags ni Kathy

- Ayon naman sa inirereklamo, malaking halaga daw ang utang ng businesswoman sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang programa ni Raffy Tulfo sa TV5 ang diumano’y ginamit na pagbabanta ng Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya sa isang talent manager kaugnay ng hindi pagbalik sa kaniyang mga bag.

Nalaman ng KAMI na magsusumbong daw ang nasabing businesswoman kay Tulfo laban sa talent manager na si Lito de Guzman.

Kinumpirma ng nasabing manager na nakaabot sa kaniya ang pagbabanta ni Kathy ngunit sinabi nitong hindi daw niya ibabalik ang mga signature bags dahil naka-sangla ito sa kanya.

Ginamit diumano ng businesswoman ang mga bag bilang collateral sa mga utang niya kay Lito.

Umabot daw ang utang ni Kathy ng 3.9 milyong piso kaya’t papayag lamang si Lito na ibalik ang mga signature bags kapag nabayaran na ng naturang businesswoman ang utang at interes nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayaw na sanang patulan ni Lito ang mga paninira at pagbabanta ni Kathy dahil nag e-enjoy na ito sa kaniyang buhay ngunit kailangan niya daw na ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Kathy ukol sa mga binitawang salita ng manager na si Lito.

Matatandaang kamakailan lang nang arestuhin ng mga pulis ang nasabing businesswoman dahil sa P20 milyong libel case na isinampa laban sa kanya ni Joel Cruz.

Natamo ni Kathy ang kalayaaan matapos makapag-piyansa sa kaso.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinalita ang iba pang detalye tungkol sa pagkakadakip at pagkakakulong ni Kathy.

Ayon sa Philnews.com, si Kathy ay nagtapos na may Latin honors sa kursong Office Management. Tinagurian din daw itong pinakama-swerteng tao sa buong mundo at “Queen of lottery” dahil nanalo daw ito sa lotto ng tatlong beses.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries

Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries

Kahanga-hanga! Catriona Gray does own hair and makeup during Miss Universe 2018 preliminaries
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel