Pinay sa Kuwait, hindi nagpatalo sa sariling takot at pangamba

Pinay sa Kuwait, hindi nagpatalo sa sariling takot at pangamba

-Dala marahil ng mga kwentong OFW na nasasaktan o naaabuso ng mga amo, kaya dala-dala ni Manilyn ang pangambang baka matulad siya sa mga ito

-Walang sawa siyang nagdasal para sa sarili at para sa pamilya na nais niyang iahon sa kahirapan

-Ang katatagan niya ang naging daan upang maipagawa ang kanilang bahay at mapakabitan ng kuryente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pangamba at takot na baka matulad sa ibang overseas Filipino workers (OFW) na naabuso ng mga amo ang baon ni Manilyn nang siya'y lumipad papuntang Kuwait.

Marahil ay dahil sa mga kwentong OFW na minalas sa mga amo, kaya naman ganon na lamang ang kanyang dasal para sa sarili.

Noong unang mga araw niya, natakot daw siya para sa kanyang kaligtasan. Ang anak daw ng kanyang amo na sinaktan niya ito na kabaligtaran sa totoong nangyari dahil siya daw ang nasaktan dahil dito.

Awa naman ng Diyos, hindi napahamak si Manilyn dahil dito.

Araw-araw pa rin siyang nagdasal para sa sarili at para na rin sa pamilya na nais niyang tulungan. Makalipas ang tatlong buwan, nakausad naman daw siya mula sa gabi-gabing pag-iyak dahil sa homesick.

Dahil na rin sa patuloy na pagdadasal at pilit pinatatag ang sarili, tumagal si Manilyn sa kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, mahigit dalawang taon na ito sa Kuwait. Naipagawa na niya ang kanilang bahay at napakabitan ng kuryente. Nakatulong na rin siya upang makabili ng ilang gamit sa pagsasaka ang kanyang pamilya.

Payo ni Manilyn sa mga katulad niyang OFW, tyaga, tapang at dasal ang gawing sandata upang magpatuloy sa buhay sa ibang bayan.

Palaging alalahanin ang dahilan ng pakikipagsapalaran sa banyagang lugar sa kabila ng pangamba para sa sarili.

Pinay sa Kuwait, hindi nagpatalo sa sariling takot at pangamba

Photo source: Facebook akocikaw.ikaw.35
Source: UGC

We are glad to present you our newest 200 pesos challenge. You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakahabag ang sitwasyon nila! Anak na may sakit, kasama ng tatay sa trabaho

Nakakahabag ang sitwasyon nila! Anak na may sakit, kasama ng tatay sa trabaho

Nakakahabag ang sitwasyon nila! Anak na may sakit, kasama ng tatay sa trabaho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel