Pinay OFW sa UK na kumikita na ng nasa ₱180,000, gusto pa ring lumipat sa USA

Pinay OFW sa UK na kumikita na ng nasa ₱180,000, gusto pa ring lumipat sa USA

- Si Zana ay isang surgical nurse na nagtatrabaho sa UK at kumikita na siya ng umaabot sa ₱180,000

- Dahil sa kanyang anak, sinunggapan na niya ang oportunidad sa UK na may napakagandang mga benepisyo

- Bagaman at maayos na ang kanyang kita roon, naiisip pa rin niyang lumipat at magtungo USA para tuparin ang mga pangarap niya sa lugar na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Zana sa masasabi nating maserteng OFW na maayos ang buhay abroad. Surgical nurse siya sa United Kingdom at kumikita siya ng hanggang ₱180,000.

Bukod pa rito, isa sa mga dahilan niya kung bakit di na niya pinakawalan ang oportunidad sa UK ay sa ganda ng mga benepisyo rito.

Pinay Surgical nurse sa UK na kumikita na ng nasa ₱180,000, gusto pa ring lumipat sa USA

Inisip ni Zana ang kapakanan ng anak, at maari nilang makuha ang mga benepisyong free healthcare, free education at bursaries o libreng paaral for college-level students na binibigay ng kompanya roon.

Ayon kay Zana, binabalak niyang magtagal sa UK ng sampung taon. Gusto niyang tuparin ang kanyang pangarap sa United States of America.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa OFW din naman si Zana, nakararamdam din siya ng pagka-homesick. Aminado siyang naninibago din siya malamig na klima roon. Bagaman at ingles ang salita roon, iba pa rin ang accent ng mga Briton kaya nahirapn din siyang intindihin ang mga ito sa umpisa.

Ngunit, may ilang bagay din siyang ikinaswerte. Dahil siya ay empleyado roon ng National Health Service, mas napadali ang pagkuha niya ng visa. May discount din daw siya sa ilang restaurant at mobile providers. At higit sa lahat, libre rin ang pagpapa-ospital. Laking pasalamat na lamang niya na ni minsan ay di raw siya nao-ospital pa.

Malayo man siya sa kanyang pamilya sa Pinas, doon pa rin siya humuhugot ng lakas at inspirasyon.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel