Sobrang alaga si buntis! Dingdong Dantes sinamahan si Marian Rivera abroad para sa show

Sobrang alaga si buntis! Dingdong Dantes sinamahan si Marian Rivera abroad para sa show

- Sinamahan ni Dingdong Dantes ang buntis niyang misis na si Marian Rivera para sa show abroad

- Bagamat hindi na ito parte ng trabaho ni Dong, nag-effort siya talaga na samahan si Yan

- Sa airport pa lang, makikita na ang lambingan ng DongYan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagdalawang isip si Dingdong Dantes na samahan ang kanyang buntis na misis na si Marian Rivera, abroad para sa isang show.

Nalaman ng KAMI na isa si Marian sa ilang mga stars ng GMA para sa kanila Kapusong Pinoy Anaheim 2018 sa California.

Kaya naman kahit di na trabaho ni Dong bilang artista ang sumama sa US, naku, ayun ang maalagang mister, sinamahan si Yan.

Sa airport pa lang ay kitang-ktia na ang sweetness at lambingan ng mag-asawa. Siyempre naman magkakaroon na ng kapatid si Zia kaya dapat mag-ingat talaga si Yan. Naiulat din ito sa KAMI.

Hawak-hawak pa nila ang kamay ng isa't-isa habang nasa airport.

Kitang-kita naman ang mga kislap sa mata ni Yan habang kinakausap sila, na parang sobrang saya talaga niya at kasama niya si Dong.

Ang iba pang Kapuso celebs na sumama ay sina Christian Bautista, Donita Nose, Tekla, Julie Anne San Jose, at AiAi Delas Alas.

Si Marian Rivera ang tinaguriang Kapuso primetime queen. May anak na sila ni Dingdong na si Zia Dantes.

Ngayon, buntis siya sa kanilang pangalawang baby.

POPULAR: Read more about Marian Rivera

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel