Sumagot na! Kampo ni VP Robredo nagkomento sa draft charter na mas pabor kay Tito Sotto

Sumagot na! Kampo ni VP Robredo nagkomento sa draft charter na mas pabor kay Tito Sotto

- Base sa draft charter, si Senate President Tito Sotto ang napili para pumalit kung sakali kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Sinagot naman ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang issue na ito

- Sabi nila, hindi raw sapat na dahilan ang poll protest laban kay VP Robredo para hindi siya ang pumalit bilang pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsumite na nga ng draft charter ang House of Representatives na pinangungunahan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa posibleng transition na mangyayari kung sakaling mapatupad ang pederalismo sa bansa.

Nalaman ng KAMI na ayon sa draft ay si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang napiling papalit kaysa kay Vice President Leni Robredo kung sakaling wala ng kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte mamuno sa panahong mangyari iyon. Maaaring basahin ang draft ng constitution dito.

Sumagot na! Kampo ni VP Robredo nagkomento sa draft charter na mas pabor kay Tito Sotto

Ayon naman kay Leyte Rep. Vicente Veloso, chairperson ng panel sa constitutional amendments ay iniiwasan lamang ng desisyong ito ang “instability” na pwedeng mangyari dahil nga sa pagpo-portesta ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging laban nila ni Robredo. Hanggang sa ngayon ay on-going pa rin ang protesta na mag-recount sa boto nina Robredo at Marcos.

“What if come January, Marcos wins and the Presidential Electoral Tribunal says this is immediately executory? He succeeds. The following 3 months, on a motion for reconsideration, Robredo wins. Then on another motion for reconsideration, Marcos wins. This creates an instability," sabi ni Veloso ayon sa report ng ABS-CBN News.

Si Tito Sotto raw ang posibleng papalit kay Pangulong Duterte kung sakaling “vacancy arises by reason of removal, resignation, permanent incapacity or death.”

Ngunit, bwelta naman ng kampo ni VP Robredo, hindi raw basehan ang poll protest upang lagpasan sa succession si Robredo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sumagot na! Kampo ni VP Robredo nagkomento sa draft charter na mas pabor kay Tito Sotto

“The election protest filed by former senator Bongbong Marcos as ground for ousting VP Leni is clearly frivolous if not outright ridiculous,” sabi ni Romulo Macalintal, lawyer ni VP Robredo.

“Sa kabila ng pahayag ng Malacanan na mas malakas pa sa kalabaw ang pangulo, bakit mga kaalyado niya ang parang nagpapahiwatig na ang Pangulong Duterte ay may sakit na maaaring makaapekto sa kanyang panunungkulan?”

"Kung siya ay may sakit hindi succession ang dapat pag-usapan kundi dalangin para sa kanyang kalusugan. Kung may sakit ba ang inyong tatay pag-uusapan na ninyo agad kung sino ang magmamana at magkano ang mamanahin?” dagdag pa ni Macalintal.

Noon pa man ay nais na isulong ng Duterte administration ang pederalismo sa bansa. Naiulat na nga ng KAMI noon na ang pederalismo ay nagbibigay kapangyarihan sa bawat estado (state) mamahala sa kanilang mga nasasakupan.

POPULAR: Read more news about VP Leni Robredo here!

Ukay-Ukay (Bargain Store) Challenge is already in the Philippines! You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel