Lea Salonga may matapang na opinyon tungkol sa mga nangyayari ngayon sa bansa

Lea Salonga may matapang na opinyon tungkol sa mga nangyayari ngayon sa bansa

- Isa sa kilala na sikat na artista sa showbiz na vocal at prangka tungkol sa kanyang mga opinyon sa mga bagay-bagay mapa-showbiz man o politika ay si Lea Salonga

- Kamakailan ay napanayam ng press ang tinaguriang international music superstar at dito ay naitanong sa kanya ang mga isyu ng bayan

- Hindi naman nag-atubili ang world class performer sa pagsagot ng mga tanong at as always, nagbigay siya ng isang matapang na opinyon tungkol sa mga nangyayari ngayon sa bansa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang Tony award-winning broadway actress at singer na si Lea Salonga ay plakadong plakado na umano sa kanyang mga "no holds bar" opinyon sa mga isyu tungkol sa showbiz at politika.

Straightforward kung sumagot raw sa mga tanong na binabato o pinupukol sa kanya.

Gaya na lang ng isang interview na viral ngayon dahil pinag-uusapan ng mga netizens online na naispatan ng KAMI.

Si Lea ang isa sa mga artista na masasabi raw na "a person of balance" at ito ay makikita rin naman sa mga series of social media posts umano tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Napanayam ng mga media people ang international music superstar at dito ay binato siya ng maraming tanong tungkol sa politika.

Ang naturang video ay inupload ni Mj Marfori sa kanyang YouTube channel.

Unang tinanong si Lea kung may nag-invite ba daw sa kanya na tumakbo.

Sinagot naman niya wala raw, at dagdag pa niya.

"I have friends that have done it [politics]. Some have won, great for them, and some have lost, great for them. The ones who have lost kind of felt disillusioned by the process."

Ito raw ang kanyang impresyon na nakita mula sa kanila.

Dugtong pa niya:

"They got to see something that they shouldn't have."

At ibang malaking laro daw ang politika.

Normal naman daw na hindi mo magustuhan totally ang isang tao.

Tinanong rin siya kung gusto niya ba raw si President Rodrigo Duterte at ang pamamahala nito umano.

Sinabi naman niya na "thrilled" daw siya noong na appoint si Bernadette Romulo Puyat bilang Secretary of the Department of Tourism at naging "very happy" din siya noong nabigyan ng posisyon si Aiza sa gobyerno.

Dito nasambit niya na may mga bagay na nagustuhan siya sa administrasyon at may iba rin na hindi.

Ayon pa sa kanya:

“You can’t like everything, and you never will. You can like some things, and that is fine. That’s as diplomatic as I can be about it."

Patuloy na pahayag niya, ang Pilipinas daw ngayon ay "very divided"at lahat umano na sasabihin mo ay ma misinterpret daw ng iba.

Sinagot naman niya ang tanong tungkol sa "inflation rate" sa bansa.

Ani niya:

“We are affected to the point where there are certain goods and services that we buy that are affected, I mean that I don’t like to see my electric bill go up, I don’t like it when the price of vegetables, I mean we buy locally grown produce and when you see price has changed, is it like ‘why?’"

Dagdag niya:

“And then you wonder, you gotta wonder.. it's if we’re angry about this, we have to see if it’s happened in previous administrations before and if we got angry then too… And if it happened before, you didn’t get angry, then you might have to examine why that is."

Panoorin ang buong interview sa babang video.

Una naming naispatan ang balitang ito sa Filipino Times.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin