Bride, emosyonal sa photo shoot bilang pag-alala sa pumanaw na groom

Bride, emosyonal sa photo shoot bilang pag-alala sa pumanaw na groom

- Nakakadurog ng puso ang bawat larawan ni Jessica Padgett, isang biyuda na ikakasal na sana sa nobyong si Kendall Murphy ngunit di inaasahang pumanaw ito

- Namatay si Kendall na isang bumbero sa pagliligtas sa biktima ng car crash

- Lahat ng taong kasama sa photo shoot ay di naiwasang maging emosyonal sa tindi ng damdamin na pinakikita sa bawat larawang kinukuha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naging madali para kay Jessica Padgett ang pagkawala ng nobyo niyang bumbero na si Kendall Murphy na ikakasal na sana sa kanya.

Nalaman ng KAMI na na napatay umano si Kendall ng isang lasing na tsuper habang ito ay tutulong sana sa biktima ng isang car crash.

Ayon sa Yahoo, naisip daw ni Jessica na magkaroon ng bridal photo shoot bilang pag-alala sa sana ay kasal nila ni Kendall.

“When Kendall passed, it took me a while to realize what happened, but as months went by, I realized that I wanted to celebrate our wedding day,” kwento ni Jessica sa Yahoo.

Kaya naman kinausap niya ang photographer na si Mandi Knepp ng Loving Life Photography na siyang kumuha din pala ng engagement photos nina Jessica at Kendall.

“The day was an emotional roller coaster,I had chills all that day. It was a blessing to be a part of this,” paglalarawan ng photographer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Suot ang kanya sanang wedding gown at todo make up na animo'y totoong ikakasal, laking gulat ni Jessica nang makitang nakiisa talaga ang kanyang pamilya at maging ang pamilya ni Kendall sa photoshoot.

“When I arrived, our entire wedding party was lined up to greet us, exactly as they would have stood at the ceremony,that was a surprise. It was emotional,” kwento ni Jessica.

Nakadagdag pa ng emosyon sa photo shoot ang pagbibigay ng pamilya ni Kendall na helmet at boots na naglalaman ng sunflower para kay Jessica. Sa boots makikita rin ang mensaheng “No matter your path, I am with you always.”

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel