Sa dami ng nais manalo, printer ng 1 lotto outlet nasira na

Sa dami ng nais manalo, printer ng 1 lotto outlet nasira na

-Dahil sa dami ng tumataya ngayon sa Ultra lotto 6/58, printer ng 1 lotto outlet sa Bangued, Abra ang bumigay na

-Naireport naman daw agad ito sa PCSO upang mapalitan

-May paalala naman ang PCSO sa mga mananaya sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumigay na ang printer ng isang lotto outlet sa Bangued, Abra dahil sa dami ng mananaya ngayon sa ultra lotto 6/58 na id-draw ngayong Martes.

"Sa dami po ng nagtataya, sir, bumigay na po 'yung printer namin, sir," ayon sa teller ng outlet na nakapanayam ng GMA News.

Nauna ng naibalita ng KAMI na umabot sa na P1 billion ang jackpot na pinakamalaki na sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas.

Kaya naman ang pila sa mga lotto outlet mahaba na!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa ulat ng GMA News, umabot na sa P5 billion ang kinita ng PCSO mula sa mga taya sa ultra lotto.

P1.4 billion ang naibigay na sa charity at at simula Enero ang kinita ng PCSO na P6 biilion ang napunta na rin sa charity at mayroon ng 352,562 beneficiaries.

"Nagbibigay kami ng tulong sa lahat ng nangangailangan but we give preference to those individuals na mas nangangailangan. Ito ho 'yung indigents," pahayag ni Larry Cedro, assistant general manager for charity sector ng PCSO.

30% ng revenue ng PCSO ay napupunta sa kawang-gawa, kabilang ang medical assistance para sa mahihirap.

Nagpaalala ang PCSO sa mga tumataya na ingatan ang ticket. Bawal itong mabasa, mainitan, o malukot.

Kung sakaling palarin at may manalo sa jackpot, maaaring makuha ito sa main office ng PCSO sa Mandaluyong at magdala ng 2 government issued ID at siyempre ang winning ticket.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos

Pari, suspendido nang tawaging "sinner" ang nagpatiwakal na 18-ayos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel