Babae sa Starbucks, nakasagip raw ng buhay dahil sa 'sulat' na inakala niyang sa kanya

Babae sa Starbucks, nakasagip raw ng buhay dahil sa 'sulat' na inakala niyang sa kanya

- Viral ngayon ang kwentong binahagi ng Facebook user na si Pamela Bridget Ramirez sa kung paano siya nakasalba ng buhay sa Starbucks

- Sa pag-aakala niyang sa kanya ang papel na nahulog at kanyang pinulot, nalaman niya ang may-ari nito at may balak mmagpakamatay

- Lakas loob niya itong kinusap at napanatag ang loob ng babae na dumadaan na pala noon sa matinding depresyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino raw nag-aakala na isang pangkaraniwang araw sa sikat ng coffee shop ay di inaasahan makakapagsalba ng isang buhay si Pamela Bridget Ramirez.

Sa pamamagitan ng isang may kahabaang facebook post, binahagi niya kung paano niya nagawa ang makatulong sa taong di naman niya kakilala, di rin naman niya kaibigan.

Puno raw ang mga mesa noon sa coffee shop at sakto namang may tumayong babae sa isang mes. Agad niya itong pinuntahan at nang ilalagay na niya ang kanyang gamit, napansin niya ang resibo na may nakasulat. bagaman at ito raw ay basa na, napuna niya ito dahil halos pareho raw sila ng sulat ng kung sinuman ang sumulat noon.

Laking gulat niya nang mabasa ang mga katagang "How many more heart aches do I have to count before I could ever find the one that never leaves? I miss you Francis. Hintayin mo ako love, susunod na ako"

Alam ni Pamela na ang babaeng nakaiwan noon ay may pinagdaraanan. Di lang daw maintindihan ni Pamela kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na sundan ang babae na noon ay nasa labas pa at pasindi na ng kanyang sigarilyo.

Nagawa raw ni Pamela na komprontahin ang babae at nasabi niyang "I know you're about to quit your life, u can tell me about this note. You can trust me."

Matapos niyang masabi iyon, napahagulhol na lamang daw ang babae at doon nagsimula na silang mag-usap at di na nila namalayan ang oras.

Nalaman ni Pamela na nag-suicide pala ang fiance' ng babae ata pakiramdam daw ng lalaki na pabigat siya sa kanyang nobya.Sinisisi naman ng babae ang kanyang sarili dahil aminado raw itong di nakakausap madalas ang namayapa nang nobyo dahil daw masyado silang busy.

Samantala umabot na ng nasa 18k na reaksyon, 2.6k na komento at 21k na shares na ang naturang post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala raw nagawa nang iba si Pamela kundi ang makinig at yakapin ang babae paminsan-minsan. Habang nagsasalaysay daw ito, pansin ni Pamela ang katapangan sa babae.

masaya raw si Pamela na nagpunta sa siya Starbucks noong araw na iyon, at masaya siyang nakilala ang babaeng binansagan niyang "K". Patuloy daw niya itong ipagdarasal na sana di na raw nito maisipan pang kitilin ang buhay niya balang araw.

Bago sila maghiwalay ni "K", sinundo daw ito ng kanyang ina. Sa nangyari, naisip ni Pamela ang kahalagahan ng komunikasyon lalo na sa mga taong malapit sa atin.

Payo ni Pamela na kumustahin madalas ang mga taong mahal mo dahil minsan inaakala lamang natin na nasa maayos o ok pa sila, ngunit ang totoo ay hindi na pala.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica