Lalaking may polio na minaliit noon, milyonaryo na ngayon

Lalaking may polio na minaliit noon, milyonaryo na ngayon

-Bata pa lamang na siya ay magkaroon ng polio, na naging dahilan para siya'y maliitin maging ng ibang kapamilya

-Dahil dito, naging basagulero at minsang nalulong sa droga

-Ngayon, isa na itong matagumpay na businessman ngayon na kumikita ng milyon-milyon kada buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bata pa lamang daw si Johnny nang siya'y taman ng sakit na polio. Dahil dito naging masalimuot ang kanyang kabataan at minaliit pa maging ng sariling kapamilya.

Dahil dito, naging basagulero daw si Johnny, lalo na kapag siya'y natutukso dahil sa kanyang kapansanan.

Malaki ang pamilya nila Johnny, 14 silang magkakapatid kung kaya naman napilitan siyang maghanap-buhay sa kabila ng kanyang batang edad.

Nagkaroon siya ng asawa, ngunit dahil sa hirap ng buhay, naghiwalay silang dalawa.

Doon na natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot si Johnny.

Lugmok sa buhay at halos gusto ng sumuko. Mabuti na lamang, dahil sa pagmamahal sa kanya bumalik ang kanyang Misis ng mabalitaan ang nangyari sa kanya.

Doon na sila nagdesisyon na lumipat ng lugar para sa bagong simula. Naging mekaniko siya sa isang talyer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabutihang palad, nakilala ni Johnny ang taong tumulong sa kanya at kanyang pinagkakautangan ng loob.

Dahil sa kanyang ipinakitang tyaga at pagiging tapat, nakuha niya ang loob nito at ng yumao'y ipinamana sa kanya ang talyer na kanyang pinagta-trabahuhan.

At iyon na ang naging simula ng magandang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Ang dating minaliit at basagulero, ngayo'y nay sarili ng bahay, mga sasakyan, at mga negosyo na kumikita ng milyon-milyon kada buwan.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel