10 Throwback wedding photos that will make you kilig and wish it was you

10 Throwback wedding photos that will make you kilig and wish it was you

Hindi ba't kay ganda pagmasdan ang mga lumang litrato lalo na't kung ang nakapaloob na istorya nito ay isang matamis at magandang kwentong pag-ibig tulad ng ating mga paboritong mga showbiz couples.

Noong unang panahon, kung saan hindi pa uso ang mga social media, walang ibang paraan para makita ang mga wedding photos ng ating mga paboritong mga celebrity couples maliban na lang kung naifeature ito sa mga magazines at broadsheets.

Kaya nga raw sa mga panahon na ito ang mga kasal ng mga celebrities ay tinuturing mahigpit na pribadong okasyon.

Pero dahil na rin sa paglikha ng mga social media networks gaya ng Facebook, Instagram, at Twitter, naging daan rin ito ng mga tagahanga at tagasubaysubay ng mga showbiz couples na ito na masilip ang mga mahahalagang litrato ng kanilang pag-iisang dibdib at pagbigay bati rin sa kanilang paboritong mga artista.

Ngayon, sisilipin ng KAMI ang 10 sa mga nakakilig na mga throwback wedding photos ng mga celebrities, na hanggang ngayon ay nagpapatuloy sa kanilang pag-iibigan, ika nga nila, 'Til death do us part."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Vilma Santos at Ralph Recto

9 Throwback wedding photos that will make you kilig and wish it was you

Credit: Facebook/Baul Ni Juan
Source: Facebook

Ayon na rin sa Facebook page ng Baul Ni Juan, ikinasal sina Vilma Santos at Ralph Rector noong December 11, 1992, sa Lipa City Cathedral.

Kung susumahin, magdidiwang sila ng kanilang 26th wedding anniversary ngayong taon.

2. Gary Valenciano and Angeli Pangilinan

Nagdiwang naman ng kanilang 34th wedding anniversary sina Gary V at Angeli Pangilinan, ayon na rin sa IG post ng huli.

3. Dawn Zulueta and Anton Lagdameo

Ikinasal sina Dawn Zulueta at Anton Lagdameo noong December 27, 1997, sa New York, ayon na rin sa IG caption ng walang kupas na kagandahan na aktres.

Ang ibig sabihin lang nito ay magdidiwang sila ng kanilang 21st wedding anniversary ngayong taon.

4. Maricel Laxa and Anthony Pangilinan

Kung babasehan ang caption, magdidiwang sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ng kanilang 24th wedding anniversary ngayong taon.

5. Cristina Gonzalez and Alfred Romualdez

Pinost ni Cristina Gonzalez ang throwback wedding picture nila ni Afred Romualdez noong October 23, 2015, at sinabi sa caption na 17 years ago sila kinasal.

So, ibig sabihin magdidiwang na sila ng kanilang 20th wedding anniversary ngayon.

6. Janno Gibbs and Bing Loyzaga

Noong January 6, ngayong taon, pinagdiwang nina Bing at Janno ang kanilang 27th wedding anniversary.

7. Richard Gomez and Lucy Torres

Ikinasal sina Richard at Lucy noong April 28, 1998 sa Ormoc City.

At noong Abril nga ng 28 ng taong ito, pinagdiwang nila ang kanilang ika 20th wedding anniversary.

8. Donna Cruz and Potenciano "Yong" Larrazabal III

Ang dating actress at singer ay kinasal sa doctor na si Yong noong September 19, 1998, sa Basicilica de San Sebastian Church sa Manila.

Ipinagdiwang lang naman nila ang kanilang 20th wedding anniversary kamakailan lang.

9. Aga Muhlach and Charlene Gonzales

Ipinagdiwang nina Aga at Charlene ang kanilang 17th wedding anniversary noong May 28, 2018.

10. Gary Estrada and Bernadette Allyson

Sina Gary Estrada at Bernadette Allyson ay ipinagdiwang ang kanilang 17th wedding anniversary noong June 16, 2018.

Una naming naispatan ang mga throwback wedding pictures sa PEP.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel