Busy na busy pa rin! Ang buhay ni Kobe Bryant matapos mag-retire sa NBA

Busy na busy pa rin! Ang buhay ni Kobe Bryant matapos mag-retire sa NBA

- Nagretire sa NBA noong 2016 ang legend na si Kobe Bryant

- Pero, patuloy pa rin ang pagiging abala ng Black Mamba sa kanyang buhay

- Ilan na nga dito ay ang kanyang mga business at award-winning shows

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong April 2016 nga ay official nang nag-retire si NBA Hall of Famer at Black Mamba na si Kobe Bryant sa National Basketball Association (NBA). Marami rin ang nag-abang sakanyang huling laro bilang member ng Los Angeles Lakers.

Matapos ang dalawang taong mula noong nag-retire siya, ano na nga kaya ang naging buhay ng NBA superstar? Nalaman ng KAMI na marami pa ring pinagkakaabalahan ang Black Mamba ngayon.

Family

Makikita ngang mahilig mag-travel ang pamilya ni Kobe. Kasama niya palagi ang kanyang asawa na si Vanessa Bryant at mga anak nila na sina Natalia, Gianna, at Bianka Bryant.

BodyArmor

Noong 2014 nga ay nag-invest si Kobe sa BodyArmor, isang sports drink, ng $6 million. Kamakailan lang ay nabalitang umabot na raw ng $200 milion ang investment ni Kobe rito matapos bilhin ng Coca-Cola ang majority stake ng kompanya.

Bryant Stibel Venture

Nakipagsosyo rin si Kobe sa isang investor na si Jeff Stibel. Isa ang Bryant Stibel sa top-tier investment firm.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Detail

Busy din si Kobe sa kanyang show sa ESPN na ‘Detail’. Siya ang producer, writer at host ng sjow na ito kung saan magbibigay siyang opinion sa mga laro sa ESPN at ABC. Para kay Kobe, importante raw na matutunan ng “next generation” kung paano pag-aralan ang isang laro.

Granity Studios

Nagtayo rin ng isang award-winning multimedia company si Kobe na ‘Granity Studios’ noong 2016. Ito ay isang content creation company kung saan mailalabas ng mga athletes ang kanilang mga potential sa pamamagitan ng storytelling.

Dear Basketball

Ang ‘Dear Basketball’ ay isang short animated film na sinulat at sinaysay ni Kobe. Ito rin ay nanalo ng Outstanding Post-Produced Graphic Design award sa Sports Emmys noong May 2018. Nanalo rin ito bilang Best Animated Short Film sa Oscars noong March 2018.

The Mamba Mentality: How I Play book

Kamakailan nga lang ay inannounce na ni Kobe ang release ng kanyang libro na pinamagatang “The Mamba Mentality: How I Play” sa darating na October 23.

The Punies podcast

Ang ‘The Punies’ naman ay isang podcast na ginawa ni Kobe kung saan tampok ang mga magkakaibigan na naglalaro ngunit may iwan paring importanteng lesson sa buhay.

Art of Sport

Naglabas din ng isang sports brand si Kobe bilang fouding partner ng Art of Sports. Ito ay isang body care line kung saan mayroon silang deodorant, hair at body wash, at iba pa.

Talaga ngang hindi lang basta isang basketball player si Kobe. Siya ay isang mabuting ama, magaling na businessman at creative na writer!

POPULAR: Read more news about Kobe Bryant here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Is Jollibee an Ant or a Bee? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya

Richard Gutierrez, pinigilang maiyak sa sulat ng anak na si Zion para sa kanya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel