'Di lang daw tampo! JV Ejercito ‘masama ang loob’ sa kanyang tatay na si Mayor Joseph Estrada

'Di lang daw tampo! JV Ejercito ‘masama ang loob’ sa kanyang tatay na si Mayor Joseph Estrada

- Kumpirmado nan gang tatakbo ang magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa Senado next year

- Subalit hindi naman nagustuhan ni Ejercito ito

- Inamin din niya na nagtatampo at masama ang loob niya sa kanilang tatay na si Mayor Joseph Estrada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na tila hindi lang siya nagtatampo sa kanyang tatay na si Manila City Mayor Joseph "Erap" Estrada kundi masama rin daw ang loob niya dito.

Nalaman ng KAMI na sa interview ni Ejercito sa Radyo Singko na may plano na ring umalis ito ng Partido ng Masang Pilipino (PMP), ang partido ng kanilang ama.

Lilipat na raw sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si Ejercito. Ngunit sabi naman ni Senate Presdent Vicente “Tito” Sotto III ay may plano rin ang NPC na suportahan ang kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada.

Pero, saan nga nagmula ang sama ng loob ni Ejercito?

Inamin ng senador na matagal na silang hindi nag-uusap ng kanyang tatay dahil magka-iba raw ang kanilang prinsipyo at hinayaan nito na tumakbo rin bilang senador muli si Jinggoy.

“I don’t agree with the position of allowing 2 siblings to run at the same time. It does not look good and it just isn’t right,” sabi ni Ejercito sa Rappler.

Giit din ni Ejercito na nagtatampo siya dahil hindi na naman daw siya masusuportahan ng tatay niya sa kanyang pagtakbo katulad daw ng nangyari noong 2013 elections.

“Noong time na yun, hindi ako masyado natulungan. Nag-karoon kami tampuhan dahil sa kapatid ko nung time na yun, kaya di ako natulungan financially, even political machinery. Tapos ngayon mauulit na naman ang scenario,” sabi ni Ejercito.

“Hindi lang tampo, masama talaga loob ko. Di na ko natulungan noong 2013, ganito pa sitwasyon. Ako I have tried to keep my name clean, wala akong issue.. wala akong corruption,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa naman ni Jinggoy na imposible raw na hindi tinulungan ni Mayor Estrada si JV noon.

Aniya, “I doubt it. Ang tatay ko pantay-pantay ang tingin sa mga anak nya, walang nakakalamang. Yung sinasabi ni Senator JV na hindi sya tinulungan in 2013, I was a first-hand witness to that, tinulungan sya ng tatay ko, imposibleng hindi.”

Sa tingin din ni Jinggoy ay wala namang mali kung parehas na tatakbo ang magkapatid sa Senado bilang ang taumbayan naman daw ang boboto.

Noong 2014 ay nagkaroon din ng issue ang magkapatid matapos pumirma ni Ejercito ng Senate committee report laban sa kanyang half-brother, Juan Ponce Enrile at Bong Revilla ukol sa diumano’y maling paggamit ng pork barrel.

Ang magkapatid na JV at Jinggoy ay anak ni Mayor Estrada sa magkaibang babae. Ang nanay ni Jinggoy ay si dating senador Loi Ejercito Estrada. Samantala, ang nanay naman ni JV ay ang aktres at San Juan City mayor na si Guia Gomez.

Hala! JV Ejercito ‘masama ang loob’ sa kanyang tatay na si Mayor Joseph Estrada

Photo from Pinoy Stop
Source: Facebook

Noong 2013 naman ay ginamit ni JV ang apelyidong ‘Ejercito’ nang siya ay tumakbo sa Senado. Si Jinggoy naman ay nagsimulang gamitin ang apelyidong ‘Estrada’ simula noong tumakbo siya bilang San Juan vice mayor noong 1988.

Nitong September nga lang ay lumamang si Jinggoy kay JV sa pre-election surveys. Napabilang si Jinggoy sa tinatawag na ‘Magic 12’. Samantala, bumaba naman ang rating ni JV sa 6th to 13th rank.

POPULAR: Read more news about Mayor Erap Estrada here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Is Jollibee an Ant or a Bee? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel