Video ng snatcher ng cellphone na nahuli ng pulis sibilyan, nag-viral

Video ng snatcher ng cellphone na nahuli ng pulis sibilyan, nag-viral

- Naaktuhan ng isang netizen na dumadaan ang aktwal na pagkakahuli ng isang pulis sibilyan sa snatcher ng cellphone

- Agad na nag-viral ang video na magsilbi raw sanang babala sa mga mahilig mag-cellphone sa daan

- Tanghaling tapat daw nang ito ay mangyari kaya nangangahulugang walang pinipiling oras ang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral ang video na binahagi ni Jericson Marquez kung saan naaktuhan ng pulis sibilyan ang isang snatcher ng cellphone.

Ayon sa post, naglalakad lamang daw ang estudyante nang biglang hinablot na lamang daw ang cellphone nito.

Nalaman ng KAMI na isang pulis sibilyan pala ang nasa lugar na agad namang rumespunde at makikitang dinampot ang snatcher.

Mapapansin din na di lang pala isa kundi dalawa at mayroon ding dalawa pa na sumubok na sumaklolo sa mga snatcher.

Naganap ang insidente malapit sa Bambang LRT station at katanghaliang tapat pa.

Ayon pa kay Jericson, magsilbing aral daw ito sa gaya niyang madalas nakalabas ang cellphone kahit naglalakad. Wala na raw kasing pinipiling oras ang mga gumagawa ng krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nabitin daw ang ilang netizens sa video. Di raw kasi nalaman kung nakulong ba o kung anuman ang sumunod na nangyari sa insidente.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nabitin ako sa video ano kaya nangyare sana eh nakulong yang mga pesteng yan"
"Magagalit na nman CHR pag yung mga yan nabaril nung nka sibilyan na officer daming salot nag kalat sa manila na ganyan"
"Balatan ang kamay nyan at ibabad sa patis na may kalamansi!"
"Dapat binabalda mga yan. Kompleto at malalakas nmn pangangatawan d magbanat ng buto para kumita. Sana sa mga magulang ng ganyan lunukin nyo nalang katas ng asawa nyo kung d nyo naman kaya suportahan magiging anak nyo"
"Bitin ung video. Pinutukan na sana mga kamay nyan"

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel