PaulTin fever! Bea Alonzo at Alex Gonzaga, kinilig sa PaulTin tandem

PaulTin fever! Bea Alonzo at Alex Gonzaga, kinilig sa PaulTin tandem

- Kilig ang hatid ng dalawang sisters ni Toni Gonzaga, reel at real, na sina Bea Alonzo at Alex Gonzaga, respectively, sa Instagram, kamakailan lang

- Maalala na si Bea ay naging kapatid ni Toni sa Four Sisters and a Wedding, na naging matalik na magkaibigan, kalaunan

- Isang post ng First Love star na dinirek ng poging mister ng Ultimate Multimedia Superstar ang shinare ng una, na binigyan naman ng laughtrip comment ni Alex at dito nag-umpisa ang kiligan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang IG post nga ni Bea Alonzo, ang isa sa lead stars ng pelikulang First Love, na dinirek ng mister ng Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga, na si Paul Soriano ang nagtrending, kamakailan lang.

Spotted ng KAMI ang naturang cute at kilig post ni Bea na pinaingay ang social media sa PaulTin fever na dala ng aktres at ng nakakabatang kapatid ng Romantic-Comedy Queen na si Alex Gonzaga, na kilala rin ngayon bilang Vlog Superstar.

Sa nasabing post, isang candid shot ni Direk Paul Soriano ang ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram page.

Makikita sa larawan na tila seryoso sa pagbabasa ng script ng kanilang pelikulang First Love na pinagtatambalan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo ang poging mister ni Toni at director ng pelikula na si Paul Soriano.

At nilagyan ni Bea ng caption ang picture para iparating ang kanyang paghanga sa kanilang director at mister ng kanyang matalik na kaibigan.

Ani ni Bea:

"Our handsome director at work! I’m so glad I was able to witness your talent @paulsoriano1017. @celestinegonzaga serious sya dito oh! (laughing emoji) #firstlovemovie 10.17.18"

Mabilis naman naispatan ng sissum ni Toni na si Alex Gonzaga, bilang isang internet superstar nga, ang post ni Bea at nagreact ng nakakatawang komento.

Ani pa ni Alex:

"reto natin kay tiiinnn to bea (laughing emoji)"

Tugon naman ni Bea:

"@cathygonzaga tingin ko bagay silang dalawa eh!"

At dito na bumuhos ng mga PaulTin tandem fever at kiligan.

"Not only a talented director but also a good man, husband and father! The sort of example every girl should aspire for in a boyfriend and a husband! A very special someone that will Not promise you anything (promises are meant to be broken) or that you would try to change so he fits in. Happy for Paul & Toni! Still hopeful that others will see the light and the happy ending to their fairytale!!"
" baka naman pwedeng tambalang @celestinegonzaga naman at derek @paulsoriano1017"
"I bet you they’ll make cute babies (baby emoji) (this emoji needs more hair to look like Seve)"
PaulTin fever! Bea Alonzo at Alex Gonzaga, kinilig sa PaulTin tandem

Credit: Instagram/Bea Alonzo
Source: Instagram

May na pa "My Amnesia Girl"ang peg sa pagcocomment ng sikat na linya sa naturang pelikula.

Ani ng netizen na ito:

"pandesal ang order ni toni burger ang binigay"
PaulTin fever! Bea Alonzo at Alex Gonzaga, kinilig sa PaulTin tandem

Credit: Instagram/My Amnesia Girl
Source: Instagram

At ang iba naman ay tunay na agree na agree sa caption ni Bea.

"so guwapo talaga! Ultimate Hearthrob Director hehe"

Kung si Toni Gonzaga ay ang Ultimate Multimedia Superstar, si Direk Paul Soriano naman ang Ultimate Heartthrob Director, para sa mga netizens.

Wow, bagay!

Kaya watch nyo na ang pelikula dahil bukod pa sa gwapo at multi-awarded director na si Paul Soriano, pinagbibidahan rin ito ng dalawang mga mahuhusay na mga actors sa pinilakang tabing na sina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Kasama pa ang dalawang promising actors na sina Edward Barber at Albie Casiño.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food

5 Super wealthy and classy ladies who apparently love street food
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel