Batang pumanaw at dinadasalan na sa simbahan, himalang nabuhay pa raw

Batang pumanaw at dinadasalan na sa simbahan, himalang nabuhay pa raw

- Binahagi ng facebook user na si Fred Otero ang binansagan niyang, "Miracle baby"

- Nasa simbahan na ang bata at dinadasalan na ito bilang huling pagbababasbas nang bigla itong gumalaw

- Agad na inalis daw sa kabaong ang bata dahil sa himala raw itong nabuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang "miracle baby" raw na maituturing ang batang ito kung saan nakahimlay na ito sa kanyang munting kabaong nang mapansin ng mga taong gumalaw pa ito.

Tatlong taong gulang pa lamang daw ang batang babaeng nagkaroon ng malubhang sakit at matapos ang 24 oras ay pumanaw na rin.

Dahil dito, tinanggap na ng kanyang pamilya ang kinahinatnan ng bata kaya naman agad na inasikaso ng mga ito ang pagpapamisa para sa huling basbas sa simbahan at siyempre ang libing.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang ginaganap ang misa sa simbahan sa Aurora, Zamboanga del Sur, narinig ng mga kaanak ng bata ang kalabog mula sa loob ng kabaong kung saan nahihimlay ang batang babae.

Laking gulat daw nila nang makitang gumalaw ang ulo ng bata kaya naman agad na binuksan ang kabaong at kinuha ang bata mula rito.

Halos di makapaniwala ang mga nakasaksi mismo sa masasabing milagro na naganap sa batang babaeng ito.

Dasal na lamang ng karamihan na sana ay tuluyan nang gumaling ang bata kung ito man ay totoong nagbalik ang buhay.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel