Mocha Uson, kinumpirma ang pagtakbo sa eleksyon 2019

Mocha Uson, kinumpirma ang pagtakbo sa eleksyon 2019

- Kinumpirma na ni Mocha Uson ang kanyang pagtakbo sa halalan sa isang taon

- Gagawin daw niya ito upang magkaroon ng mga boses ang ordinaryong tao na biktima ng fake news

- Nitong nakaraang linggo lamang, nagbitiw na sa pwesto si Mocha bilang Communications assistant Secretary

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos gumawa ng ingay ng kanyang pagbibitiw pwesto noong nakaraang linggo, muling naging matunog ang pangalan ni Mocha Uson nang kumpirmahin niya ang kanyang pagtakbo bilang senador sa darating na eleksyon 2019.

“Bibigyan ko po ng boses ang ordinaryong Pilipino. Tatakbo na ako,” pahayag ni Mocha.

Bagaman at di pa binigyang linaw ni Mocha kung ano ang posisyon na balak niyang takbuhan, naging usap-usapan na malaki ang posibilidad na ito ay ang pagka-senador.

Bago pa maitalaga ni Presidente Duterte si Mocha bilang communications assistant secretary, kilala na siya bilang isang singer/performer at vlogger.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madalas ulanin ng kontrobersiya si Mocha lalo na nang siya ay nasa gobyerno na. Katunayan, maging ang kanyang pagbibitiw sa puwesto noong nakaraang linggo ay inulan pa rin ng pambabatikos.

Ayon kay Mocha, ang pagbibitiw niya sa iniatang na tungkulin ay bilang sakripisyo na lamang upang maibigay na ang budget para sa Communications Operations Office ay tuluyan nang maibigay ay di na patagalin pa.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Is Jollibee an Ant or a Bee? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: Is Jollibee an Ant or a Bee? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel