Mga batang 'gasgas-kotse', nakuhanan ng CCTV

Mga batang 'gasgas-kotse', nakuhanan ng CCTV

-Huli sa kuha ng CCTV ang mga batang nanggasgas ng mga kotse sa Laguna

-Mga apektadong may-ari ng mga kotse, nais makausap ang mga magulang ng mga batang 'gasgas-kotse'

-Hati naman ang opinyon ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Huli-huling ang ilang kabataan nang sadyain ng mga itong gasgasan ang ilang kotseng nakaparada sa isang kalye sa Cabuyao, Laguna.

Sa viral video, makikita ang ilan sa mga ito nang dumampot ng kung anong gagamitin upang gasgasan ang mga kotse, sumunod ay ang paglapit ng mga ito sa mga nakaparadang sasakyan at doon na nga ginawa ang kanilang pakay.

Kinabukasan, ayon sa ulat ng GMA News, tumambad na lamang ang mahahabang gasgas sa mga kotse sa mga may-ari ng mga ito.

Ayon sa isang may-ari na nakapanayam ng GMA News, nais ng mga itong kausapin ang mga magulang ng mga batang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Magsasampa umano ang mga biktima ng pormal na reklamo.

Narito naman ang ilan sa mga opinyon ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Netizen: "They should know that the risk of parking outside is either scratches, side mirror disappearing, plate disappearing, basag kotse, or worse, the entire vehicle disappearing."

Netizen: "wag kasi bibili ng sasakyan kung wala naman sapat na at tamang paradahan sa lugar "

Netizen: "alam nyo, kung ayaw ninyo na hindi magasgasan ang kotse nyo, iparada nyo sa loob ng bahay, hindi naman parking lot ang kalsada, kahit pa na subdivision iyan, gawan nyo ng garahe, makareport lang."

Netizen: "These kids have gotton their education on the street, surviral mode everyday, seeing bad examples, seeing crimes all the time, and that makes it normal to them to commit anything just to get the money for survival."

Netizen: "yan lng ang kaya nilang i-contribute sa Bayan,mamerwisyo ng kapwa at manira ng pinaghirapan ng ibang tao."

Netizen: "Dumaan din ako sa pagkabata pero hindi nman ako gumawa sa ikaperwisyo ng kpwa ko! Nasa pagdesiplina pa rin yan ng mga magulang kung paano palakihin sa magandang asal ang mga anak!"

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna

Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna

Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel