Nag-retire na! Ang 44-day legacy ni Chief Justice Teresita De Castro sa Supreme Court

Nag-retire na! Ang 44-day legacy ni Chief Justice Teresita De Castro sa Supreme Court

- Si Chief Justice Teresita De Castro na nga ang may pinakamaiksing termino sa Supreme Court

- 44 days lamang ang tinagal niya sa pagseserbisyo bago magretire bilang chief justice

- Nilista naman ng KAMI ang mga nagawa niya habang siya ay chief justice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Official na ngang nag-retire at tinapos ni Chief Justice Teresita De Castro ang kanyang paninilbihan sa Supreme Court (SC) sa loob ng 44 days. Noong August 25, 2018 ay itinalaga bilang chief justice si De Castro ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos paalisin sa pwesto si dating chief justice Maria Lourdes Sereno.

Ang mga empleyado sa Supreme Court ay naghanda para sa retirement ni De Castro. May pa-red carpet at marching band pa sila. Igugunita ni De Castro ang kanyang 70th birthday sa darating na October 10.

Sabi ni De Castro kanyang farewell speech, “I tried my best so that my presence will be most felt, not only by the employees of the Court, but also by our judges and justices nationwide. I hope you felt it."

Ngunit, ano nga kaya ang mga nagawa ni De Castro bilang Chief Justice sa loob ng 44 days? Nilista ng KAMI ang ‘legacy’ na iniwan ni De Castro sa Supereme Court na base na rin sa report ng Rappler:

Salary increase, overtime pay at bonus ng SC employees

Sa kanyang farewell speech sa huling flag ceremony, inanunsyo naman ni De Castro na may matatanggap raw na dagdag sahod ang mga employees sa first-level courts. Dagdag niya pa ang overtime pay at bonus sa ibang court employees.

Aniya, “We have upgraded the salary of our first-level courts, in keeping with the heavy responsibility that they perform."

“We have granted overtime pay not only to stenographers but also other court employees who are helping in the continuous trial of cases.

“Today, for your dedicated service to the Court, and for your hard work, you will again receive a token of appreciation. It comes not only from me but also from justices of the Court who have been very supportive in seeing to it that your welfare and well-being are served,” dagdag pa ni De Castro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

25-percent shading threshold

Si De Castro ang nagconcur sa naging unanimous decision na gawing 25% ang shading threshold ng Presidential Electoral Tribunal (PET). Naiulat nga ng KAMI noon na ito ay nirequest ni Vice President Leni Robredo para sa recount ng mga boto nila ni dating Senador Bongbong Marcos.

Bongbong Marcos’ protest

Nais ni Bongbong Marcos na pagbawalan si Associate Justice Caguioa na sumama sa pagrecount ng boto nila dahil “biased” daw ito sapagkat ang asawa ni Caguioa ay kinakampanya raw si VP Leni Robredo noon. Si De Castro rin ang nagconcur sa kasong ito. Depensa naman ng SC na ang akusasyon ni Marcos ay isa lamang 'conspiracy theory'.

Trillanes’ warrant of arrest

Isa sa mga malaking kasong nahawakan ng Supreme Court kamakailan ang issue sa amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV. Ngunit hindi naman ibinalita kung sino ang mga bumoto para i-deny ang pag-issue ng warrant of arrest sa senador. Subalit hindi rin naman pinagbigyan ng SC ang request ni Trillanes na temporary restraining order laban sa Proclamation No. 752 ni Pangulong Duterte.

Jinggoy Estrada’s plunder charge

Isa raw si De Castro sa mga tumulong upang mapanatili ang pag-charge kay Jinggoy Estrada ng kasong plunder.

Philippines’ withdrawal from International Criminal Court (ICC)

Sa darating na October 9, Martes, ay gaganapin ang huling pag-preside ng en banc session ni De Castro. Ang kasong ito ay may kinalaman sa oral arguments ni Pangulong Duterte ukol sa pag-aklas ng Pilipinas bilang member ng International Criminal Court (ICC).

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Is Jollibee an Ant or a Bee? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel