Tampo much raw? Presidential Spokesperson Harry Roque nag-file ng leave

Tampo much raw? Presidential Spokesperson Harry Roque nag-file ng leave

- Nag-leave si Presidential Spokesperson Harry Roque simula ngayong Lunes

- Wala namang binigay na dahilan si Roque

- Agad naman nagkomento ang mga netizens na baka raw nagtatampo si Roque

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-abiso si Presidential Communication Operations Office Director Dennis Ting sa mga Malacañang reporters na nag-file ng leave si Presidential Spokesperson Harry Roque simula ngayong October 8, Lunes.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Ting, “Pls be advised that Presidential Spokesperson will be on leave starting today, Monday, October 8. All requests for statements kindly post here for his corresponding response. Thank you.”

Base sa report ng Inquirer ay hindi raw nagbigay ng dahilan si Roque sa kanyang desisyon mag-leave. Pero, sa isang press briefing noong Friday, sinabi ni Roque na kailangan niya ng weekend off upang pag-isipan ang kanyang pagtakbo sa Senado at sa offer ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Kinumpirma naman ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi pa raw alam ng Pangulo na nag-leave si Roque.

Tampo much nga kaya ang Spokesperson? May kanya-kanyang opinion naman ang mga netizens sa issue na ito. Narito ang ibang kanilang komento sa Twitter:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakraang nabalita na nga na tutol si Pangulong Duterte sa planong pagtakbo ni Roque sa Senado sa darating na Halalan 2019.

“Ayan sila si Roque, gusto mag-senador. Sabi ko, ‘Tama ka na… Standby ka. Bigyan kita ibang trabaho. Hindi ka manalo diyan.’ ‘Bakit?’ ‘Ah ‘yung mga sundalo ayaw sa iyo,” sabi ng Pangulo.

Kaya naman inoffer kay Roque ang position bilang Press Secretary. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar ay nais nilang buhaying muli ang Office of the Press Secretary (OPS).

“Si Secretary Harry Roque kinakausap namin kung puwede ipagpaliban ‘yung kaniyang pagkandidato dahil kailangan siya sa Communications team," sabi ni Andanar.

Naiulat din ng KAMI noon na tila hindi raw alam ni Roque na nagpunta si Pangulong Duterte sa ospital noong October 3 kaya raw hindi nakaattend ng event sa Malacañang ang Pangulo noon.

“I assure you that I have no information that he did go to a hospital and I am given information whenever things like this happen,” sabi ni Roque.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Is Jollibee an Ant or a Bee? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel