Gumanti! 17-anyos sinaksak ng 6 na taong gulang na bata

Gumanti! 17-anyos sinaksak ng 6 na taong gulang na bata

-Sugatan ang isang 17 taong gulang na lalaki matapos itong saksakin ng isang 6 na taong gulang na bata

-Ang dahilan umano, gumanti ang bata dahil nakaaway daw ng ama nito ang biktima

-Alarming! Isa na naman itong kaso ng karahasan na ang sangkot ay kabataan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Valenzuela City -Sugatan ang isang binatilyo, edad 17 dahil sa pananaksak ng isang 6 na taong gulang na batang lalaki.

Ayon sa ulat ng DZBB, nangyari ang krimen bandang 2:15 ng hapon sa Santol Street, Bilog sa Barangay Balangkas.

Ang suspek na 6 na taong gulang ay isang grade 2 student lamang, habang ang biktima ay isang out-of-school-youth.

Ayon sa imbistigasyon ng mga pulis, nakaaway ng binatilyo ang ama ng 6-anyos at pinalo umano ng kawayan. Nagalit ang bata dahil dito kaya naman sinaksak nito ng kutsilyo ang biktima sa tiyan, ayon sa report mula sa GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad namang itinakbo sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kalauna'y inilipat sa Valenzuela Medical Center at kasalukuyang inoobserbahan pa ang kalagayan

Habang ang 6 na taong gulang na nanaksak ay Valenzuela City Child Protection Center para sa counseling at karagdagang intervention.

Nakakabahala na isa na namang kaso ng karahasan na ang sangkot ay mga kabataan!

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel