Nagkabalikan? Kris Aquino, may ibinunyag tungkol sa kanila ni Herbert Bautista

Nagkabalikan? Kris Aquino, may ibinunyag tungkol sa kanila ni Herbert Bautista

- Ibinahagi ni Kris Aquino ang picture sa Instagram kung saan magkasama sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista

- Ito ay ilang buwan matapos mapabalita ang tila hindi nila pagkakaunawaan

- Ikinuwento niya ang ilan sa mga pangyayari sa buhay nila ni Herbert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Kris Aquino ang picture kung saan magkasama sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na nag dinner kasama ang dalawa pang kaibigan.

Ikinuwento ni Kris ang ilan sa mga pinagdaanan nila ni Herbert at kung paano sila nanatiling magkaibigan sa caption ng nasabing picture.

"Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END.

Ayon pa kay Kris ay palaging naroon si Herbert pag kailangan niya ng kaibigan.

"He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon... Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones.

They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities."

Matatandaang sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Kris kamakailan ang panlolokong ginawa sa kanya ng isang taong lubos niyang pinagkatiwalaan.

Bumagsak ang katawan niya dahil sa pinagdaanang problema at kinailangan pumunta sa Singapore upang masuri ang kanyang kalusugan. Balik-Pinas na uli ang multi-media star at handa nang bumalik sa trabaho.

Bahagi din ng kanyang caption ay ang pagkakataong nagkasumbatan sila ni Herbert.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

"Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?

"I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH."

Marahil ay upang maiwasan ang negatibong komento at makadagdag stress, naka-off ang comments section sa post ni Kris. Samantala dahil sa post na ito ni Kris, marami sa mga netizens ang natatanong kung nagkabalikan na nga ba sila.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel