24 anyos na OFW nurse sa London, kumikita na ng ₱160,000 kada buwan

24 anyos na OFW nurse sa London, kumikita na ng ₱160,000 kada buwan

- Maswerte ang Pinay na nurse na si Gemicah na nakapagtrabaho na siya sa London

- Masaya si Gemicah sa London dahil nagagawa at nabibili niya ang lahat ng gusto niya

- Aminado si Gemicah na di naging madali ang mga pinagdaanan niya abroad ngunit humuhugot na lamang siya ng lakas sa pamilya lalo na kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing maswerte ang 24 anyos na OFW na si Gemicah na nakakuha agad ng trabaho sa London.

Hindi lang basta trabaho dahil ito rin mismo ang propesyon ni Gemicah na isang nurse.

Masaya naman daw si Gemicah sa London. Katunayan kumikita na siya ng halos ₱160,000 na napakalaking bagay na sa kanya at sa kanilang pamilya.

Bagaman at minsan tinatalo rin daw siya ng lungkot, iniisip na lamang niya ang kanyang ina na minsang naging OFW para lang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya sa Pilipinas.

Nakararamdam din siya ng pagod lalo pa at siya rin naman siyempre ang gumagawa ng mga gawaing bahay at namumuhay siyang mag-isa sa abroad.

24 anyos na OFW nurse sa London, kumikita na ng ₱160,000 kada buwan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit dahil sa maayos naman siyang kumikita, nabibili niya ang mga bagay na di niya dati mabili. Isa pa, nagagawa niyang magtravel at higit sa lahat may sapat siyang halaga na maipapadala sa pamilya niya sa Pilipinas.

Lahat nang ito ay nagawa lamang niya nang siya ay nagdesisyong magtrabaho abroad. Di raw niya kasi ito magawa noong nagtatrabaho siya sa Pilipinas.

Nang tanungin siya kung nais pa niyang bumalik sa bansa,tatlong taon daw ang kanyang kontrata ngunit diretsa niyang sinagot na masaya naman daw siya sa London, at maninirahan daw siya rito hanggang maaari.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel