Dating propesor sa dalawang unibersidad sa bansa, mas piniling maging OFW sa China

Dating propesor sa dalawang unibersidad sa bansa, mas piniling maging OFW sa China

- Propesor na si Annie Rose Cequina sa dalawang prestihiyosong unibersidad sa bansa ngunit mas pinili pa rin nitong maging OFW

- English as a Second Language na si Annie Rose sa China at mas pinili niya ito kaysa manatili sa bansa

- Kinikilala raw kasi sa bansang Tsina ang mga gurong Pilipino at naniniwala sila sa kakayanan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng masasabing maayos na propesyon sa Pilipinas, mas pinili pa rin ni Annie Rose Cequina na maging OFW sa bansag Tsina.

Nalaman ng KAMI na propesor na si Annie ng dalawa sa mga prestihiyosong unibersidad sa bansa ngunit nagdesisyon parin nitong lisanin ang Pilipinas.

Guro pa rin naman ang pinasok na trabaho ni Annie sa China. ESL o English as a Second Language ang kanyang tinuturo.

Kwento ni Annie, mataas ang tingin sa mga gurong Pilipino sa China. Pinahahalagahan nila talaga ang mga Pinoy na teacher doon dahil alam nila ang mga kapasidad nito lalo na sa pagtuturo ng Ingles.

Dating propesor sa dalawang unibersidad sa bansa, mas piniling maging OFW sa China

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-umpisa Si Teacher Annie bilang guro ng Grades 4,5,6 sa magagandang eskwelahan ng Gongzhou.

Dahil sa angking galing at dedikasyon sa trabaho, siya ay naging Academic Supervisor ng paaralan sa Gongzhou.

Ni minsan ay di rin daw nakaranas ng diskriminasyon si Teacher Annie. Pinakita niya kasi kung gaano siya ka-dedikado sa kanyang ginagawa na kahit pa lampas na sa tinakdang oras ng kanyang trabaho ay gumagawa pa rin siya.

Sa ngayon, kinikita niya sa isang buwan ang tatlong buwan niyang sahod sa Pinas.

Payo ni Teacher Annie sa mga kapwa niya Pinay na nais magtrabaho abroad, Pag-ibayuhin at pagyamanin lamang daw ang talento at kakayahan na binigay ng Panginoon at kayanin ang anumang pagsubok na kasama sa paglago sa buhay.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel