Netizens, nadurog ang puso sa magkakapatid na namatayan ng ina at iniwan ng ama

Netizens, nadurog ang puso sa magkakapatid na namatayan ng ina at iniwan ng ama

- Viral ang post ng tatlong magkakapatid na namatayan daw ng ina at iniwan naman ng ama

- Nadurog ang puso ng mga netizens na nakakita ng post na binahagi ni Charmagne Balaba dahil sa maliliit pa ang magkakapatid na ang bunso pa ay isang sanggol

- Nais din ng mga netizens na matulungan ang mga bata at makahanap ng kukupkop sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng magkakapatid sa post ng netizen na si Charmagne Balaba. Ayon sa viral post, namatayan na raw ng ina ang magkakapatid at iniwan na rin sila ng kanilang ama.

Labis na nahabag ang mga netizens na nakakita ng post dahil sa mga bata pa ang mga ito na ang bunso pa nila ay sanggol pa lamang.

Maging ang kumuha ng larawan ay naiiyak sa kalagayan ng magkakapatid na walang kasiguraduhan ang patutunguhan.

Ayon pa sa mga netizens, sana manlang daw ay makakita ang mga bata ng kanilang kamag-anak na siyang kukupkop sa mga ito.

Mayroon din namang nagmungkahi na dalhin ang mga bata sa DSWD nang sa gayon may matuluyan sila pansamantala at matulungan silang makahanap ng permanenteng magiging tahanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hangad din ng mga netizens na sana raw ay di maghiwa-hiwalay ang magkakapatid lalo pa at ang isa't isa na lang ang kanilang aasahan gayung wala na silang mga magulang.

Inaalam pa ang eksaktong lugar ng kinaroroonan ng magkakapatid na sana raw ay agad na matulungan ng makakakita sa kanila.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Sakin nlng yong baby.."
"Kawawa naman ung tipong ang hirap ng buhay mo tpz maiisip mo mas mahirap pa pala ung sa kanila"
"Saan po location nito? Saan po pwde matagpoan ang mga bata salamat."
"Sa nag post po nito, sana po paki complete po sana ng boung detalye sa mga bata po...."

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue

Insanely rich! Pinoy couple's wedding singer is international artist Boyce Avenue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel