Netizen, nanawagan at nagmalasakit madala sa ospital ang lolo na natumba na lamang sa daan

Netizen, nanawagan at nagmalasakit madala sa ospital ang lolo na natumba na lamang sa daan

- Isang netizen ang nagmalasakit sa isang matandang hinang hina na sa daan

- Ibinili niya ito ng pagkain ngunit nang ito ay balikan niya, natumba na ito sa kanyang pagkakaupo

- Dinala na rin sa ospital ang matanda ngunit wala pa ring kamag-anak na pumunta rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang netizen na binahagi ang kalagayan ng isang matangdang lalaki na kanyang nakitang hinang-hina na sa kalsada.

Bandang 4:30 ng hapon ng Oktubre 6, nakita ng netizen ang lolo sa Monumento na nagnghihina na. Di raw nagdalawang isip ang netizen na bilhan ng makakin ang matanda.

Pagbalik niya sa kinaroroonan nito, natumba na ito at nadumi na rin daw. Sinubukan na rin pakainin ng netizen ang lolo ngunit tila wala na itong malay.

Dahil dito, humingi na ng saklolo ang netizen sa mga dumadaan upang maisugod na sa ospital ang matanda.

Di na inisip ng netizen na mahuhuli na siya sa trabaho at mas pinili ang kapakanan ng matanda na kinakailangan na talagang malapatan ng lunas sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa post, natagalan pa dumating ang ambulansya ng Red Cross na hiningan ng tulong para sa matanda. Dumating naman daw ngunit di na sumama ang taga-Red cross sa pagsugod sa matanda sa ospital.

Sa Caloocan city medical center dinala si lolo at laking pasalamat nila na may tanod na nagmalasakit din na bantayan ang matanda habang wala pang kamag-anak na pumupunta sa matanda.

Laking pasalamat din daw ng netizen sa dalawang pulis na tumulong sa kanila.

Binahagi ng netizen ang mga larawan ng matanda upang makarating sa mga kamag-anak ni lolo at mapuntahan na ito sa ospital.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls

Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls

Bong Revilla reveals his plans if he wins as senator in 2019 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel