Parang totoo! Human-like robots, kinagigigliwan ngunit kinatatakutan din

Parang totoo! Human-like robots, kinagigigliwan ngunit kinatatakutan din

- Parang totoo na raw talaga na nakikipag-usap ang kung tawaging humanoid robots

- Sa ginawang international conference on Intelligent Robots sa Madrid, Spain, nagpakitang gilas ang robot na pinangalanang si Erica

- Kinagiliwan ang robot na ito ngunit kinatakutan din dahil sa halos mukhang tao na talaga ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumasagot na parang totoong tao ang robot na pinangalanang si Erica na nagpakitang gilas sa International conference for intelligent Robots na ginanap sa Madrid.

Nakausaong gupit ng buhok, nakausong damit na para na talagang totoong tao si Erica na animo'y alam talaga ang kanilang pinag-uusapan.

Sa pamamagitan daw ng mga keywords, nakasasagot ito sa mga tanong sa kanya.

Dahil dito, labis na namangha ang mga manonood sa kayang gawin ng makabagong robot na ito na pinangangambahan din naa maari raw makihalubilo na sa totoong tao.

Parang totoo! Human-like robots, kinagigigliwan ngunit kinatatakutan din

Sinisikap daw ng mga engineers na gumagawa ng robot na ito na maging talagang parang totoong tao na kagagawa ng mga gawain ng tao.

"robots will coexist with humans sooner or later," wika ni Hiroko Kamide, isang Japanese psychologist, na espesyalista sa relasyon ng mga tao at robot.

Malaki raw kasi ang matitutulong ng mga ito sa bahay at maging sa trabaho kaya di malayong maging bahagi na talaga sila ng komunidad sa mga susunod na araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod kay "Erica" marami pang iba't ibang klaseng robot na may iba't ibang kakayahan ang nakita sa conference.

Ayon pa sa ABS-CBN, ang mga robot na kagaya ni Erica ay ginagamit sa Japan bilang mga receptionists.

Ngunit, sa kabila ng mga nakamamanghang kakayahan ng mga robot na ito, nakikinikinita rin daw na maaring dumating ang panahon na sila na rin ang mga magiging guro sa darating na panahon.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel