Konduktor, kinuyog ng 5 lalaki! Hahanga ka kung bakit

Konduktor, kinuyog ng 5 lalaki! Hahanga ka kung bakit

-Isang konduktor ang hinangaan sa social media matapos nitong magbigay ng babala sa mga pasahero nito

-Dahil dito, kinuyog ang kawawang konduktor ng 5 lalaki na tila pinaghinalaan nito

-Nagtamo ito ng ilang sugat, mga pasa sa mukha at saksak ng ice pick

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinangaan ang isang konduktor matapos itong makuyog ng 5 lalaki na umano'y pinaghinalaan nito.

Ayon sa netizen na si Rudy Marco Espenilla, sumakay siya sa isang bus papuntang Quiapo, Manila.

“8:20pm ng sumakay ako sa bus na GLINER papuntang Quiapo, Manila sinabihan na ako ni kuyang konduktor na “Sige po Sir, diyan na po kayo sa unahan umupo” (Senior lane) so ako sumunod kay kuya katabi ang dalwang lola. Tumigil ang Bus sa Meralco (Center Gate) upang mag baba at magsakay ng pasahero.” ayon sa kanyang facebook post.

Nang marating ang Meralco, Center Gate, 5 kahina-hinalang lalaki ang sumakay sa kanyang sinasakyang bus at tila nakakutob daw ang konduktor. Kaya naman nagbigay ito ng paalala sa mga pasahero.

“Konduktor: Oh yung mga bababa diyan center gate dito na po

(Habang papasok ang mga pasahero sa bus)

Konduktor: paki ingatan po ang mga gamit niyo ang mga bag niyo paki ingatangan ng mabuti

( mukhang nakakutob na si kuya na may masamang mangyayari or masamang tao sa paligid)

May limang lalaki ang sabay sabay na pumasok sa bus at ang mga ito’y nasa unahan lamang ng bus na tila nakikipag siksikan sa mga ibang pasahero. Inukit ni kuya ang kanyang paalala.”

Nang nasa POEA na, bumaba na umano ang 5 lalaki at doon na umano kinuyog ang kawawang konduktor. Wala daw itong nagawa at ang driver sa 5 lalaki kung kaya naman nagtamo ito ng mga pasa sa mukha at saksak ng ice pick.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpasalamat si Espenilla sa konduktor na hindi na inisip ang sariling kapakanan masiguro lamang na ligtas ang kanyang mga pasahero. Agad naman daw tumawag ng rescue para magamot ang konduktor.

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ni kuyang konduktor at sana ay mabigyan ito ng nararapat ng pagkilala sa kabayanihan nito.

Scary Nun Prank is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people – on KAMI Human Meter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Confidently beautiful Filipina Miss Universe winners and their winning answers

4 Confidently beautiful Filipina Miss Universe winners and their winning answers

4 Confidently beautiful Filipina Miss Universe winners and their winning answers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel