Cellphone ng Mayor ng QC, na-hack daw at nangangampanya na sa text

Cellphone ng Mayor ng QC, na-hack daw at nangangampanya na sa text

- Dinaan sa tweet ang impormasyon na na-hack daw ang cellphone ni Mayor Herbert Bautista ng Quezon City

- Nag-eendorso di umano ang Mayor ng kandidato niya para sa eleksyon sa susuod na taon

- Hindi raw numero ni Mayor Bistek ang pinagmulan ng naturang mga text messages

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng tweet, pinagbigay alam sa publiko ang pagka-hack ng cellphone ng alkalde ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista.

Ito ay matapos na kumalat ang mga text messages kung saan nag-eendorso na raw ang alkalde ng kanyang kandidato para sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon pa sa Yahoo, hindi raw numero ni Mayor Bistek ang source number na ginamit sa text message kaya naman imposible na siya ang mismo ang nagpangalap ng text na iyon.

Samantala, base naman sa ulat ng Manila Bulletin, numero raw talaga ni Mayor Herbert ang source number at posible raw na nagamit lang ito ng ibang tao na naka-hack nito.

Nalaman pa ng KAMI na ang ini-endorso ni Mayor Bistek ay ang matunog ng kakandidato niyang vice mayor na si Rep. Winston “Winnie” Castelo.

Sa ulat ng DZMM, maigting na iniimbestigahan na ang naturang breach sa cellphone ng Mayor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, pinabulaan din mismo ni Mayor Bistek na siya ang nagpapadala ng mga mensahe nang kapanayamin siya ng Manila Bulletin.

Dagdag pa ng alkalde, binalaan niya ang publiko na huwag maniwala sa mga text messages na natatanggap nila at may sindikato raw na nasa likod ng pagpapakalat na iyon.

Kung sino man ang nasa likod ng pangha-hack na ito ay mahaharap sa kasong identity theft.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel