Aljur Abrenica, malaki ang pasasalamat sa ina ni Kylie Padilla

Aljur Abrenica, malaki ang pasasalamat sa ina ni Kylie Padilla

- Kasalukuyang kasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang ina ni Kylie na si Leizl Sicangco

- Masaya sila na nagkaroon sila ng oras upang makasama to dahil matagal na rin silang hindi nagkasama mag-ina

- Nabibigyan pa umano sila ng oras na makalabas dahil panatag silang may naasahan sila sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nasa bansa ang dating asawa ni Robin Padilla na si Leizl Sicangco. Palagi umanong kasama ng anak na si Alas ang lola nito.

Nagpapasalamat si Aljur kay Leizl sa paggabay at pagtulong sa kanila ni Kylie na alagaan ang anak.

Sa isang panayam sa PEP, ibinahagi ng aktor na ipinagluluto pa sila ni Kylie.

"Dumalaw siya and napag-usapan namin ni Kylie na kung pupuwede mas magbigay siya ng panahon sa amin.

"Kasi taon na hindi niya nakasama si Kylie at yung apo niya.

"Parang one-year-old na nung nakasama niya si [Alas].

"So ngayon, nandun siya sa bahay and we're grateful, nagpapasalamat kami na ginagabayan niya kami, ipinagluluto kami.

Nagkaroon pa umano sila ng oras ni Kylie.

"Nabigyan pa kami ng oras ni Kylie tulad ngayon, kasi may mapagkakatiwalaan kaming mapag-iiwanan si Alas."

Aljur Abrenica, in defending his fiancée's decision to breastfeed their son inside the restroom, in a way backed Kylie's proposition.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Aljur ang kanyang fiancee sa mga bashing na natanggap nito.

"Yung sa breastfeeding na yun, I'm aware of it, sa mga comments.

"Ang masasabi ko lang, no one can really tell or judge someone on motherhood.

"Kasi lahat naman tayo may pamamaraan ng pag-aalaga sa bata, and I respect that.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Yung ginawa ni Kylie, as her fiancé, wala akong problema dun.

"Kasi sa bahay, kapag nagutom yung anak namin, gutom talaga yan.

"Wala ka nang mapagpipiliang lugar."

Natural lang umano ang ginawa ni Kylie bilang isang ina.

"It just so happened na habang nasa CR si Kylie nagutom yung bata.

"Hindi na kami... wala nang oras pa para, mag-check in pa kami o kung ano man ang gusto nila, yung comment nila na madumi o ano man.

"Ang sa akin, ginawa ni Kylie yung responsibilidad niya bilang isang ina so walang ano sa akin yun."

Si Aljur Abrenica ay unang nakilala bilang isa sa kalahok ng reality-based talent search show na StarStruck sa GMA-7, kung saan nanalo siya bilang "Ultimate Hunk."

Lumabas ang balita tungkol sa engagement nila ng nobyang si Kylie Padilla noong January 2017.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder

4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder

4 things the Warriors had going on for them to ensure this first win against the Thunder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel