Ethel Booba, bumuwelta sa netizen na nagsabing hindi siya laos dahil hindi daw ito sumikat

Ethel Booba, bumuwelta sa netizen na nagsabing hindi siya laos dahil hindi daw ito sumikat

- Sinagot ni Ethel Booba ang isang netizen na nagsabing hindi daw siya laos dahil hindi naman daw siya sumikat

- Buwelta ng komedyante laos man daw siya marami siyang ipon at napundar

- Binanatan din ng mga followers ni Ethel ang basher na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Ethel Booba ang isang basher na nagsabing hindi siya laos dahil hindi naman daw umano ito sumikat. Dagdag pa niya, mga sikat lang daw nalalaos.

“Correction, hindi po laos si @IamEthylGabison kasi hindi po siya sumikat. Sikat lang po ang nalalaos,” banat ng Twitter user na may handle na Horizon’s Crest.

Buwelta ng komedyante, marami siyang naipon at naipundar at tinanong pabalik ang basher.

“Infer sa akin madami pa din kumukuha sa comedy bar, TV guesting, out of town and out of the country show kasi may talent ako. Saka kahit laos ako dami ko ipon at napundar. Ikaw anong kwentong fibisco mo? Charot!” banat ni Ethel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, kinuyog ng mga netizens at follower ni Ethel ang nasabing basher.

“Sawsaw pa more. Porke alam mong sikat at maraming followers si Ethel sa iyo di sumikat dahil wala kang alam. Baklang twoh.”
“‘Yan ay ayon sa kathang-isip mo. Oy, saang ilalim ng bato ka ba nanirahan at ‘di mo alam na sumikat/sikat si Ethel?! Juice-colored! At sa panahon ngayon, ang information age, 1.3M Twitter followers qualify as ‘sikat.’ Samakatuwid, ang laos lang itong tweet mo.”
“OO TAMA KA HINDE SUMIKAT C ETHEL KAYA NGA 1.3 MILLION LANG NAMAN FOLLOWERS NIA AT SOLD OUT NA LIBRO. NAKAKAHIYA NAMAN SAU.”
“Those types of people don’t deserve your attention. Hayaan mo silang mamatay sa inggit. Let them say things about you, whether it’s good or bad. It only goes to show how famous you are kasi pinag-uusapan ka nila.”

Nakilala si Ethel sa kanyang pagpapatawa. Sa kasalukuyan, bentang benta ang kanyang witty Twitter posts. Kadalasan niyang binabahagi ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng pagpapatawa kaya naman patok ito sa mga netizens.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel